KABANATA 2: Breath, Brythe.
Brythe's POV
"pano nya naman malalaman ang salarin eh puro hangin lang naman ulo nun eh." komento ko nang maikwento sakin ni Ria ang mga ganap pagkaalis ko, kasalukuyan kaming nasa garden, nandito na ulit ang pusang pasaway na si Fhrea sa kulungan nya. Di ko nga alam kung pano to nakapunta dito eh.
Kahit saan talaga nakakarating ang mahanging ulo ng Tolentinong iyon, jusko, jusko, jusko!
"Bry..."
"oh?" nababadtrip na tanong ko kay Ria, hindi ako badtrip sakanya ha, sa pulis na yun.
"sino yung pulis kanina? kilala mo?"curious nyang tanong sakin.
napatingin naman ako kay Ria nang itanong nya iyon saakin, kaibigan ko si Ria, pero katititing palang ang alam nya sakin, wala akong time ikwento sakanya eh, wala nga bang time o ayaw ko lang talaga ikwento?
"oo, kilalang kilala... hay, mahabang kwento nakakapagod magsalita, next time ko ikwento sayo, sabi diba ng councilor dapat bumalik na tayo sa klase after recess?" pagpapaalala ko sakanya.
I'll be honest, ayaw ko lang talaga magkwento about sa buhay ko, hindi ko alam kung bakit, hindi naman ako natatakot na magbago ang trato nya sakin after kong ikwento, hindi ko alam kung ano.
"Bry..." tawag ulit nito sakin.
"oh?" napansin ko naman na malalim syang nag iisip, alam kong di na sya kukuliting tumanong about sakin, kilalang kilala ko to, kaya nga minsan naaawa na ako sakanya, kaibigan turing nya sakin, pero di ko sya masabihan ng mga problema ko at ng tunay kong dinaanan bago magtungtong ng high school.
"bat parang wala lang sakanila ang nangyari?" tanong nito, nanlulumong tanong nito.
oo, buhay ng tao ang pinag uusapan. Karapatan nating lahat na mabigyan ng hustisya.
napaisip din ako.Inalala ko din ang mga ganap kanina, bago ako umalis ng building na yun.
" bat parang hindi mo mababakas ang takot, tsaka yung awa sa babae sa mga mukha nila?" dagdag nya pa.
"kasi nandon tayo." sagot ko...
"ha? anong connect teh?"
Ria has a very soft heart, makakita lang sya ng maling pakikitungo sa kapwa, nalulungkot sya agad. Mabuti syang pinalaki ng mga magulang nya.
" estudyante tayo nila, and them, with high position dito sa school natin, at sa lipunan, di ata nararapat na magpakita ka ng takot or something na emosyon sa harap ng estudyante, matatalino ang mga stupids dito, baka gamitin laban sa school administration, tsaka hindi sila rerespetuhin ng mas mababa sakanila, alam mo naman dito, posisyon ang mas mahalaga kesa sa pag gawa ng tama o mabuti."pagpapaliwanag ko.
" so you mean, kinakabahan at natatakot din sila?"
"maybe? maybe natatakot sila para saatin at sa name ng school... or..."
"or?"
"natatakot sila kasi may kinalaman sila sa pagkamatay ng babaeng yon" sagot ko nang nakitingin sa mga mata nya.
malakas ang kutob ko na isang guro din ang gumawa nito sakanya, matatalino ang mga estudyante dito, lahat matataas ang pangarap. Hindi nila kayang pumatay, mahihina ang loob nila. Magaling lang sila pagdating sa bibig sa bibig na labanan, I mean yung tapunan ng mga salita.
Di naman nating masasabi na isang guro talaga, malay natin, sabik na sabik ang taong yun sa awtoridad kaya pinatay nya ang babaeng yun dahil sagabal sya sa pagkamit nun.
ayaw ko makialam sa isyu na to, magagraduate na ako, ayaw kong madamay sa anumang pwedeng makapigil sakin.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?