KABANATA 12

41 2 0
                                    

KABANATA 12: Paramdam

Brythe's POV

hindi ko maiwasang mamangha sa mga magagandang lugar na dinadaanan namin ngayon, meron parin palang mga magagandang tanawin sa Pilipinas, why cultivate this places para maipagmalaki? maraming mga magagandang talon, beaches, hills at mga nagtataasang bundok sa bansa natin na pwedeng pagandahin at pagkakitaan, bakit hindi to gamitin as site of tourism?

nakakapanghinayang pero alam ko sa sarili ko na darating ang panahon - pag dumaan ako ulit dito - ay makakaramdam nalang ako ng lungkot at paghihinayang pag napalitan ito ng mga nagtataasang mga gusali at iba pang imprastaktura.

Habang tumatagal sinisira natin ang kalikasan just to satisfy our modern needs, as innovation rise as we flip the pages of time, are we sure na hindi tayo maghihinayang once na marealize natin na mali at sobra na ang nagagawa natin?

Hihintayin pa ba natin na maghinayang tayo kung meron pa naman tayong magagawa this time? Alam kong nasasagi ng isipan natin ang mga isyung pangkalikasan, nararamdaman natin na gusto nating tumulong, naaawa tayo, nababahala sa hinaharap.

The only thing is hanggang willingness nalang ba tayo? Wala na bang action?

habang pinupuri ang ganda ng kalikasan ay biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Simon.

"Please be back."

Binigyan ko sya ng sulyap at mabilis na binalik ang tingin sa bintana.

Pagsisisihan ko ba pag dating ng tamang panahon ang mga gagawin ko?

Mali at Sobra na ba ako?

"Bry, alam kong nasasaktan ka pa rin, hindi ka pa nakaka move on sa nangyari sayo, pero bat mo kinukulong ang sarili mo sa mga nangyari?"

Totoo bang kinukulong ko ang sarili ko sa mga nangyari? Is it true na hindi ko kayang kalimutan ang nangyari? Am I blinded with revenge?

"I can't see you na ganyan Bry, namimiss na kita."

I can't see myself also doing these, pero they pushed me. Sila ang gumawa nito, hindi ako, hindi ko kasalanan kung bakit nagiging ganito ako.

"Please be back."

Brythe will never be back, wala na din sya, naglaho na, after her, a new Brythe is born, a woman with dignity.

Pag hinagupit tayo ng pagbabago, wala nang makakawala sa bagsik nito.

Dati palagi kong tinatanong ang sarili ko everytime na may malalaman ako about revenge, dati nakicringe ako sakanila kasi masyadong common na kapag nasaktan ka, gagantihan mo ang mga taong nanakit sayo.

Before,para sakin ang mga taong bumabalik para sa revenge ay mahihina, they can't move on sa mga nangyari sakanila, pero these days I proved myself wrong, they were back for revenge because they want justice.

Justice that isn't serve well enough

It isn't well enough para pagbayarin ang mga kasalanan ng taong may gawa.

Nangako ako sa sarili ko na pagbabayarin ang sumira sa pamilya ko, Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko hahayaang di magdusa ang dalawang tao at mga galamay nito na pumatay sa nanay at tatay ko, hindi ko sila hahayaang takbuhin nalang ang mga kasalanan nila, magbabayad sila saakin, buhay sa buhay.

Planado na ang lahat, wala nang makakapigil saakin, kahit si Simon, kahit ang sarili ko.

Buong buo na ako sa kaisipan kong gagawing pantay pantay ang laban, kapag inalisan ako, aalisan ko din, kapag sinira nila ako, sisirain ko din sila.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon