KABANATA 3: Sandigan
Ria's POV
Umupo ako sa sofa na malapit sa kinatatayuan namin habang paulit-ulit na inuusisa ni Bry ang maliit na papel.
"kamusta naman daw si tita?" tanong ko, alam ko namomroblema na tong kaibigan ko sa pagbayad nila sa ospital, kaya chacharotin ko na to at mag vovolunteer na ako na magbayad, may pera pa naman ako eh.
"maayos-ayos naman, mabuti nga nadala sya dito agad." malungkot nyang sabi.
"grabe naman ang pangyayari ngayong araw no" biglang sambit ko. Alam kong sobra na to at nahihirapan din syang itake lahat ng mga nangyayari.
nakatulala lang si Bry.
"Bry?"
"Hmm."
"ako na magbabayad ng bills ha, may pera pa naman ako dito." sabi ko sakanyang habang kinukuha ang wallet ko sa bag.
"Oh bag mo nga pala!" dagdag ko.
"Hindi mo na kailangang bayaran Ria, may nagbayad na." mahinang sabi nya at umupo sa monoblock sa tabi ng nanay nya.
"Ha? sino nagbayad?"
"Si siluna, kaya nga iniisip ko kung ano ang kailangan nya sakin."
creeps.
"Hoy ingat ka ha, tsaka isa pa pala..." dahan-dahan kong pagsalita.
Gusto ko na din isingit ang nararamdaman ko, I think its time.
I know a little about Brythe, I'm her friend siguro deserve ko naman na makilala sya no.
"antagal natin magkaibigan pero wala ka man lang nakekwento sakin bagkus sa kompanya and sa parents mo..."
"Ria..."
"Bry, I am your friend... Kung napapagod ka,kumapit sakin, kung natatakot ka pumunta ka sa likod ko! Kapag nalulungkot ka tawagin mo ako. Bry, bat ayaw mong maging open sakin?"
"ha? Open kaya ako sayo."
"Hindi. Masyado kang mailap teh..."
natahimik nalang sya.
"hindi ka pa ba uuwi?"bigla nyang tanong sakin
"hindi pa, tsaka nagpaalam naman ako kina mama eh."
"Hays... sige na nga ikekwento ko na."
napangiti naman ako sa sinabi ni Bry.
Finally.
Third Person's POV
Meet Brythe Saligomez, ang kaisa-isang anak ni Grudg Saligomez at Alexandra Olimpo.
Si Grudge Saligomez ay isang mayamang Australian-Filipino, na nakilala ni Alexandra Olimpo nang mangibang bansa ito para maghanap ng trabaho, nakilala nya ito sa New York, at don din nagsimula ng pamilya kasama si Grudg...
Makalipas ang ilang mga taon, kung saan malaki-laki na si Brythe, ay napagdesisyunan na nilang bumalik sa Pilipinas kung saan nagpundar ng Kompanya si Grudg para sa pamilya na umusbong naman sa buong bansa, ang kumpanyang ito ay tinawag na The Scent, sapagkat ang mga tinda nilang mga tinapay ay napakabango, at nakakagutom pag naamoy...
Ang pamilyang Saligomez ay may matibay na seguridad, isa dito si Cros Tolentino, ang pulis na nakausap ni Brythe noong may aksidente... ito ay ang pinagkakatiwalaang bodyguard ni Mr. Saligomez.
Masaya ang pamilyang ito, lahat kaya nilang bilhin, kilalang-kilala sila sa buong bansa, ngunit lahat nang ito ay nalagyan ng tuldok.
Isang gabi, pumunta si Brythe sa opisina ng kanyang ama dahil namiss niya ito, sapagkat si Mr. Saligomez ay galing sa meeting nito sa ibang bansa na umabot ng isang linggo... Hindi naman inaasahan ng batang Brythe ang mga maririnig at makikita.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?