KABANATA 29

14 0 1
                                    

Kabanata 29: Isla Casariote

Brythe's POV

"Hello Miss Brythe! Wha ke Ay Do Fo U?" napa cringe nalang ako sa bungad ni Hanna sa pagtawag ko, hindi nakakatawa ang accent nya.

"Miss Brythe? A u Sti the?"

"Stop it, Hanna. Mukhang kang ewan, I just call you to check if everything's going fine sa Office?"

"Of course maam! Jusko, ako pa ba? Ako na ata ang pinakamagaling na---" tinapos ko na ang tawag dahil rinding-rindi na ako sa matinis na boses ni Hanna, and I trust her sa pamamalakad sa office for a week.

Isang linggong pinapanalangin kong hindi pumalpak ang mga plinano ko.

Naglakad na ako para puntahan sila Rascel nang tumunog ang aking cellphone at binasa ang text message ni Hanna.

Miss Brythe! Don't mo forget the wines na nakalagay sa special pouch ng trolly mo hehe, XOXO enjoy ka reunion nyo, yieeee xd

#Reunion
#Happylang
#FunFunFun
#FunnyBry


ipinikit ko nalang ang aking mga mata dahil sa text message ni Hanna, bumuga ng hangin at mabilis na kumilos papunta kina Rascel.

"Antagal ha." bungad ni Janine.

"Tinawagan ko lang si-"

"what?! may jowa ka na?" agad na sabat ni Polly

napakunot-noo naman ako sa sinabi nya.

"Ha?"naguguluhan kong tanong

"pano maging maganda kahit may jowa na?" dagdag nyang tanong at pinindot pa ang tagiliran ko resulta ng pagkakakiliti ko.

Sunod-sunod na pangangaliti ang ginawa saakin ni Polly at Rascel habang itong si Janine ay nakafb live.

"ano ba yan?! at this age maharot pa din?" parinig ni Ria na nasa likod lang namin at tila nairita sa paggalaw namin.

at dahil sa pagreklamo ng magandang babae ay napahinto kami sa pagbibiruan.

"Grabe naman si manay, napakabitter, nahiya pa! gusto lang naman magpakiliti saatin eh." bulong ni Polly.

"Kilitiin mo nga hanggang sa mamatay." natatawang sagot ni Rascel.

"Iba na talaga ang panahon ngayon, kahit kani-kanino nalang nakikipagkaibigan para umangat sa buhay." pagpaparinig ulit ni Ria, at alam kong tinutukoy nito si Rascel.

Galit na nilingon ni Rascel si Ria at walang pasabing sinugod sya nito.

Tinulak ni Rascel si Ria para sa muli nitong pagbagsak sa lupa, kawawa naman ang pwet nya nakadalawang bagsak na, kawawa din ang blonde nitong buhok na walang awang sinabunutan ni Rascel.

"Anong sabi mo?" sigang tanong ni Rascel.

Galit na galit na tumayo at umayos ng tindig si Ria, at dinuro-duro si Rascel katulad ng ginawa nito saakin kanina lang.

"How dare you! Banggain mo ang kasing yaman mo."

"Plagiarism" pagpaparinig ko.

Gulat si Ria sa biglaan kong pagsalita, gagamitin nya yung famous line ko tapos hindi nya ako gagawan ng citation? manigas sya sa hiya.

"Argh! Dapat pala talaga hindi na ako umattend ng reunion na to! Puros walang modo at losyang ang naririto!" sigaw nya sa harap namin.

"kaya ka nga ininvite diba? kasi losyang ka din." pagsali ni Polly.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon