KABANATA 14

32 3 0
                                    

KABANATA 14: Into the maze

Brythe's POV

"shh, kahit paulit-ulit mo akong itulak palayo, I will always get back and claim what's mine."

"wala kang pagmamay-ari dito, Simon."

"Yes, meron... your love."

Tila hindi sumisink-in sa isipan ko ang usapan namin ni Simon kagabi, paulit-ulit kong naririnig ang boses nya, his flowery words always capture me, naiinis ako kasi it always left me with jumbled words.

Pero kahit ano pa man, that night made me realize certain things, some things stay the same kahit ano pang sakuna ang daanan nito, I'm glad na ang bagay na iyon ay hindi pa nagbabago, that night is an unforgetable memory, an unforgetable happy memory...

I admit, kinikilig pa ako hanggang ngayon.

maagang nagising ang mga kasama ko sa kwarto para mag-ayos at ihanda ang sarili sa examinasyon, nakakakaba nga naman talaga kasi hindi ito typical na sasagot ka sa test paper, practical na to.  Naiinis din ako sa mga guro namin, ito na yung last naming exam pero ito pa ang pinakamahirap, wala man lamang palibre? Like gawin nyo nalang tong madali saamin, gusto ko na mag graduate, pahirapan pa.

nauna na akong maligo sa mga kasama ko at mabilis na kinain ang tinapay na dala-dala ko at isang mainit na kape na binili ko sa isang stall sa labas ng field, huminga ng malalim at sinuot ang plain white shirt, shorts na hindi umabot saaking tuhod na kulay blue, at ang aking rubber shoes, tinali ko din ang aking buhok at kinuha ang maliit kong kutsilyo at itinago ito sa aking medyas.

Sumama na ako sa mga kasama ko sa kwarto papunta sa harap ng maze, ang buong akala ko ay gawa ito sa semento, dahil iyon ang bulungbulungan sa campus, pero gawa ito sa makakapal na halaman na pa square na sobrang taas, kasing taas nito isang palapag ng building, hindi ka din makakasilip sa mga halaman dahil sa sobrang kapal nito.

kinuha ko ang aking sumbrero na nakasabit sa aking shorts at sinuot ito para maiwasan ang nagbabadyang init ng araw. Maya maya pa ay dinagsa na ng aming batch ang harap ng maze, lahat manghang-mangha.

Pumila ako sa pila ng seksyon ko, unfortunately nasa tabi ko si Simon, na nasa pila ng lalaki.

"Wow, ready ka na?" biglang sulpot ni Simon.

hindi ko siya tinignan dahil naiilang parin ako sa naganap kagabi.

"Yes." Tipid na sagot ko.

"Kamusta tulog mo ha? nakatulog ka ng maayos no? yieee." pangungutya niya sabay sundot sa aking tagiliran, pinagtinginan tuloy kami ng mga kaklase namin, lalo na si Ria na nasa ikatlong tao patalikod saakin, nakahulikipkip at naniningkit ang mata.

tinarayan ko naman si Simon sabay ngisi ng patalikod, ayaw ko naman magfreak out nakakahiya.

"Good morning students." nakamikroponong bati ng head ng Physical Education ng aming school, nag graduate siya ng BS Bio with Summa Cum Laude, pero ang layo ng itinuturo nyang subject, at head pa siya nito.

Umayos ako ng tayo at nakinig mabuti sa boses nitong puno ng awtoridad, pero hindi naman nakakatakot.

nagpaalala ito ng mga hindi pwedeng gawin sa maze, nag anunsyo ng kung ano-ano pa.

"Ang maze ay may sampung pasukan, lahat kayo ay hinahayaang piliin kung saan kayo papasok, pagpasok nyo merong hologram na lalabas, ipapakita sainyo nito ang blueprint ng maze, I advice na imemorize nyo ang maze para makalabas kayo ng walang kahirap-hirap."

Tumigil sandali ang head ng P.E sa pagsasalita kaya naman biglang umugong ang bulungan, habang ako ay tinititigan ang mga braso ng kaklase ko, lalo na sa mga hilira ng mga babae, ang mga kwelyo nila ay sobrang ikli, enough para makita ko kung may tattoo, unfortunately wala sakanila.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon