KABANATA 24

25 1 0
                                    

Kabanata 24: Rascel

Brythe's POV

Agad pinaandar at pinaharurot ng aking driver na si Gerome ang sasakyan para makalayo sa mga lalaking umatake samin, hindi naman mapakali si Hanna at pilit pinepressurre si Gerome na magmadali.

Natanaw ko naman na dahan-dahang tumatayo ang mga lalaki at nagsikuhaan ng bato mabuti nalang at nakapag andar na si Gerome papunta sakanila, balak niya itong gawin.

Mabilis na nagsiiwasan ang mga gunggong, takot din pala silang matigok.

"OMFG! akala ko yun na yung katapusan ko, shet!" Sigaw ni Hanna sabay alis sakanyang shades, pinaypay pa nito ang kanyang sarili gamit ang kanyang kamay.

"Dapat pala iniwan ka na namin ni Miss Brythe."

"Hoy, Gerome magaling ka din pala sa suntukan ah, nakita kita kanina, super astig mo! LIKE WOAH!"

"Tumigil ka jan, sabi mo kanina sakin girlaloo ako."

"Sorry na! Pero totoong girlaloo ka kasi ang tagal mo kumilos! My gosh." Umirap pa si Hanna pagkatapos tuksuhin si Gerome.

Nilingon ko naman ang dinaanan namlin, chineck ko kung hinahabol pa nila kami, tanga sila kasi nakakotse kami.

Call me weird, pero nalungkot ako nang yayain na nila akong sumakay sa kotse, nalungkot akong iwan ang mga tarantadong iyon na hindi ko pa napuruhan, matagal na pala kasi nung huli akong nakaencounter ng ganito.

Napa 'tsk' nalang ako wala sa oras dahil sa naalala ko.

Ang dati kong pakikipagbakbakan ng ganito ay hindi ko rin napuruhan ang kalaban ko.

Siluna...

Mabilis na bumalik ang sarili ko sa nakaraan, sa oras ng huli naming pagkikita.

Matinding init...

Pero walang apoy.

Napakatahimik ng paligid, gayon pa man ay nanatili pa rin akong hindi gumagalaw, nakahiga parin ako sa malamig na sahig ng mall, nagkalat din malapit saakin ang mga medals na gantimpala para sa pag aaral kong mabuti.

Tapos na ang pagsabog, may usok ngunit walang apoy, pinipigil ng usok ang paghingi ng hangin ng aking baga, malalalim na ang paghinga ko.

Nagsimula akong gumapang para makahingi ng tulong pero agad akong humiyaw sa sakit dahil sa matitindi kong galos at sugat sa iba't ibang parte ng aking katawan.

"Ahhhh!" Hiyaw ko nang may nahulog saaking taas na nagpabigat sa buo kong katawan.

Dumagan ito sa kalahati ng katawan ko, mabigat ang bagay na ito na di ko matukoy kung ano sapagkat nakadapa ako.

"Tulong..." sambit ko, umaasang may makakarinig sa maliit kong boses.

Alam kong sa oras na iyon ay di ko na kakayanin, hindi na ako tatagal ng isa pang oras para lang may makasalba saakin, hinang hina na ang aking katawan at manhid na rin ito sa sakit.

Napangiti nalang ako at napatingin nalang sa kawalan, idinantal ko ang aking pisngi sa sahig, sa gilid ko ay kitang kita ang langit dahil sa salamin ng mall.

Hindi na ako magiging malungkot pa, masaya ako at makakasama ko na ang mga magulang ko kung nasaan man sila, alam kong dito nalang ako.

Alam kong ito na ang katapusan...

Dahan dahang pumikit ang aking mga mata, agad akong sinalubong ng dilim.

"Brythe..."

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon