KABANATA 20

28 0 0
                                    

KABANATA 20: Panakot

Brythe's POV

Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko ngayon, napakagaan sa pakiramdam, sana ganito nalang palagi, nakakasawa nang mabuhay sa pighati.

Nakangiting lumabas kami ng Sinag, suot suot ko parin ang togang puti kasama na ang mga kumikinang na mga medalya na nakasabit saaking leeg, agaw atensyon dito ang pinakamalaking ginto, Ang Sinag-Araw Award.

Mas lumapad ang aking ngiti nang masulyapan ko ang aking mga medalya, napakasarap talaga sa feeling kapag nariyan na ang rewards ng pagsisikap mo, this things pushed me to do more.

Kasama kong lumabas sa campus sina mama at Ate Rica na kasalukuyang may kausap sa telepono, asawa nya ata ang kausap nya, hindi ko din mapigilang magpasalamat sa mga kabatch at mga magulang na bumati saakin, ang iba ay hinandogan pa ako ng shake hands.

Nakangiting hinarap ako ni mama.

"Proud na proud ang mama mo sayo! Naku, kung nandito lang siya ang lapad lapad na ng ngiti nun, o baka umiiyak na sa tuwa."

Napatawa ako sa sinabi ni mama, nararamdaman ko si mama kahit wala siya dito, alam kong masaya siya sa achievements ko, kahit wala na siya, Siya pa rin ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay pati na rin si papa, na maiksing panahon ko lang nakasama.

"Brythe! Congratulations!" Pagbati sakin ng mama ni Ria, nagulat nga ako, marahil di alam ni tita na hindi kami maayos ni Ria.

Umalis bigla si mama na kausap ko nang tawagin ito ng kapwa nya guro kaya tuluyan ko nang hinarap ang mama ni Ria.

"Naku, salamat po." Hindi mapakaling sagot ko

Maya maya pa ay dumating na si Ria, kasama nito ang papa niya, hindi ko maiwasang mainggit sakanya, sana ako din, kumpleto ang pamilya.

"Oh, Brythe! Congrats ha! Napakagaling mo talaga" nakangiting sabi sakin ni tito.

"Salamat po." Nakangiti kong sagot

Napatingin ako kay Ria na malamig na nakatingin saakin.

"O, anak batiin mo naman ang bestfriend mo." Nagulat ako nang biglang sabihan ni tita si Ria.

"Bakit di kayo nagpapansinan ha? Magkaaway kayo ano?" Biglang sabat ni tito.

"No!" Biglang depensa ni Ria, binalaan niya ako gamit ng tingin na wag magsalita.

Lumapit saakin si Ria, inabot ang kamay ko at buong plastik na nagsalita sa harap ko.

"Congrats bestie, I'm very PROUD of you!" At nginitian pa ako, binigyan ko lang siya ng blankong tingin, niyakap nya pa ako ng napakahigpit.

Pagkatapos ay sarkastiko siyang ngumiti saakin ulit at niyaya na ang mga magulang niyang umalis, iniwan nila akong nakatunganga dito.

Napangiti nalang ako sa nangyari, ayaw ko namang iistress ang sarili ko, masisira lang ang araw ko, this is my day.

"Nak, tara kain tayo!" Yaya sakin ni mama, kasama na nito si Ate Rica.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

"Ah, wag na po, sa bahay nalang tayo kumain." Nahihiya kong pagdepensa.

"Ano ba? This is your day girl! Lalabas tayo, ako gagastos." Pagpupumilit ni ate Rica.

Napangiti nalang kami ni mama, hindi ko na siya tatanggihan dahil alam kong ipupush nila na lumabas kami ngayon.

Nakangiting naglakad ako sa ibabang parte ng mall habang hinihintay sina mama na nagwithdraw sa di kalayuang atm station.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon