KABANATA 22: Bagong buhay
Third Person's POV
Tinulungan ng driver si Brythe sa pagbaba ng kanyang mga bagahe mula sakanyang sasakyan, hindi nagpasalamat si Brythe sapagkat binabayaran niya ito para gawin ang kanyang trabaho, sayang ng 20 thousand every after 15 days na ibinabayad niya kung magpapasalamat pa siya dito.
Kahit dalawa na ang bahay ni Brythe na pinatayo niya dito sa Pilipinas ay pinili niya paring umuwi sa bahay ng kanyang ina-inahan na si Lyorna, na ngayo'y mahina na dala na rin ng operasyon na kanyang kinaharap noong nasa U.S pa ito, hindi pa ito ganap na senior citizen pero daig pa nito ang matandang-matanda na.
Napansin ni Brythe na patay pa ang mga ilaw sa bahay ng kanyang ina, tirik na tirik na ang araw, alas otso na ng umaga ngunit hindi pa siya sigurado kung gising na ang mga ito.
Ganun pa man ay pumasok na siya mag-isa at hinayaan ang kanyang driver na asikasuhin ang kanyang mga bagahe.
Rinig ang mga yapak ni Brythe sa sementadong sahig ng kanilang bahay, nang buksan ito ni Brythe, ay biglang bumukas ang ilaw at may mga nagliliparang mga confetti sa ere, mapapatakip na rin siya ng tenga sa sigaw na kanyang mga narinig.
"Welcome Back Brythe!"
Ngunit nanatili lang siyang nakatayo, walang reaksyon, nanahimik ang lahat, nawala ang gana sa mukha ng mga bumati.
"Salamat." maya maya't sabi ni Brythe.
"Welcome Home, Miss Brythe!" Sigaw ni Gina na isa sa mga kasambahay, nginitian ito ng tipid ni Brythe.
Kasama sa mga bumati ang kanilang driver na si Kuya Dolego, Si Lyorna na nakasakay sa wheelchair, Si Rica at ang anak nitong si Oliqa, at ang asawa nitong si Dexter.
May mga lobo ding nakasabit sa dingding, may nakahain ding mga putahe sa mahabang lamesa na may mantel na puti, halatang pinaghandaan nila ang pag-uwi ni Brythe, sapagkat inaasahan na nilang magpapaiwan si Brythe noong uuwi na si Lyorna galing sa US dahil sa pagtapos ng gamutan niya roon, kaya naman ganito nalang ang kanilang paghahanda sapagkat matagal na nawala si Brythe, common ito sa mga pamilyang pilipino.
Pumasok si Brythe sa bahay at nagmano sa kanyang tinuturing na ina, nakipagbesohan naman siya kay Rica.
"OMG, I thought magwewaste ka pa don ng isang decade bago mo maisipang umuwi dito, Bry. I miss you na, we must go shopping!" Masayang sabi nito.
"Hi ate Brythe!" Bati ni Oliqa at yinakap ang kanyang tiyahin.
Nginitian ito ni Brythe at ginulo-gulo ang buhok, tinanguan naman nito si Dexter na hawak-hawak ang kanyang cellphone.
Umupo si Bruthe sa upuan na malapit saakin matapos kumuha ng makakain.
"Jiji?" Tawag ni Brythe sa kasambahay namin.
Ngumiti ito ng napakalapad at lumapit kay Brythe.
"Kunin mo kay Gerome ang mga wine na dala ko, and after that, tawagin nyo na din ang ibang mga kasambahay, kumain na din kayo."
"Hala, thank you maam!" Agad itong umalis sa harap niya.
Brythe's POV
sinerbehan ako ni Jiji ng wine, ininom ko naman agad ito, kaharap ko sa isang bilog na lamesa sina mama, at ang pamilya ni Rica.
"Hey Brythe, you're so rich na yet, di mo pa natutupad ang my one and only wish ko." Maarte nitong sumbong sakin.
I gave her my what is it look.
I have no time to talk, napapagod ako magsalita, kaya madalas kong wag pakialaman ang mga walang kwentang bagay.
"Oh, come on! Sabi ko sayo ipangalan mo sakin ang isa sa mga wine ninyo, my god." Umirap pa ito.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?