KABANATA 4: Gray eyes
kinakabahang nilayo ko ang tingin sa kanyang mga mata, parang hinihigop ang kaluluwa ko.
"ano bang nangyari sayo? bat ka umiiyak?"
Ayaw ko man sya kausapin dahil sa kayabangan nya at dahil na din sa ginawa nya saking pag iwas kanina na kung akala mo sinong anak ng artista o may posisyon sa lipunan, sinagot ko parin sya, mukhang nakainom naman sya ng something kaya para syang anghel ngayon.
"wala lang, trip ko lang." walang ganang sagot ko habang nakatingin sa kawalan.
Lord, sana po umalis na sya dito.
Gusto ko mapag isa, gusto ko kausapin sarili ko, I need time for myself po,
"wow naman, nakakaamaze, alam mo pwede ka jang kumita! mag extra ka kaya sa mga palabas." masayang sabi nya.
Nakakainis talaga ang lalaking to, ang sarap nya! I mean ang sarap nya ipatapon palabas ng ospital!
"Ang galing mo umarte eh! Napaniwala mo ako sa pag iyak iyak mo jan, yun lang naman nag eemote ka lang jan! HAHAHAHA galing!" amazed nyang sabi na para bang bata, sarap bidyuhan tapos ipakita ko sa mga kaklase ko bukas.
tinignan ko naman sya at tinaas ang isa kong kilay.
"ayy aba! ang arte mo naman, totoo naman kaya ang sinasabi ko ha"
"di ka nakakatulong, ulol."
"ang sakit ha, ang sakit." pag iinarte nya.
"ano bang kailangan mo?" tanong ko ulit.
"ha? wala ha."
"Kung wala, umalis ka na kaya." suhestyon ko.
"teka, teka!" sigaw ko.
Bat sya nandito? Hindi ba ang weird ng biglaan nyang pagpapapansin sakin?
Hindi ba weird? ha?
what if kung sya si...
"hala shet..."
"Brythe? anong nangyari sayo" pag aalala nya, seryoso sya ngayon.
"I-ikaw si siluna no? kaya ka lumalapit saakin! ANONG KAILANGAN MO!" sigaw ko sakanya, kinabahan naman ako.
Di ako praning no, nagbabaka sakali lang ako. I have my evidences.
"ha? s-siluna?"
"wag ka na mag maang maangan!ikaw yung nagbayad ng bills namin dito no!"
"Kaya ka nandito sa ospital, kasi binabantayan mo ako, naawa ka sakin kasi nakita mong umiiyak ako dito, tell me! anong kailangan mo sakin!" sigaw ko sakanya.
"hey, hindi ako si silunang yan na minemean mo! pero sino ba yang silunang yan? yan ba yung mga nagpapadala ng sulat sa mga teachers sa school? sa mga admin?" tanong nya.
napatigalgal naman ako, nagpapadala ng sulat sa mga admin? sa mga teachers?
"W-wait, so you mean matagal nang nagsusulat yang siluna na yan?" di mapaniwalang tanong ko sakanya.
Dahan dahan kong kinalma ang sarili ko at hinintay syang sumagot.
"hmm, oo. Alam mo, wala akong kaibigan sa school, nor kausap, kaya tumatambay ako sa likuran ng building ng mga admins and faculty and palagi ko silang naririnig na nagdidiskusyunan jan kay Siluna."
hindi rin pala criminal ang silunang to, mukhang against din sya sa school administration.
kung ganun? hindi siya guro? Maaari syang isang estudyante, pero ang lakas naman ng loob nya!
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?