KABANATA 27

14 0 0
                                    

Kabanata 27: Reunion

Brythe's POV

Handa na ba talaga ako?

Sumabay sa aking malalim na pagmumuni-muni ay ang malakas na ihip ng hangin na tumangay sa maraming hibla ng aking buhok, ngunit ito'y hindi ko pinansin.

Dalang-dala ako sa lalim ng aking iniisip.

Hindi ko pa lubusang mapagdesisyunan itong imbitasyon na binigay saakin, paniguradong panigurado na may mata si siluna sa mga pupunta roon at tiyak kong pupuntiryahin na naman ako nito- sino pa ba ang dapat puntiryahin nito maliban sakin?

Hindi lang iyan.

I am Siluna's favorite opponent, dahil alam nyang palagi siyang panalo kapag ako ang kalaban nya, tanga sya kasi the next time na lalaruin nya ako I will definitely wreck his standards when it comes to a game.

checkmate, Brythe wins.

Pag natalo kita Siluna, I'll make sure you will never ask for more, kasi dudurugin kita.

huminga ako ng malalim at pinag isipang mabuti ang pagsama ko sa reunion na ito, nagdadalawang isip pa ako.

Kailangan ko tong pag isipan ng mabuti, para sa sarili ko. Kasi kung basta basta nalang akong pupunta nang walang kaplano plano o sandatang hawak to protect myself, tiyak kong marami at malalaking bagay ang mawawala sakin.

Pinaghirapan ko ang lahat nang ito, at hindi ko hahayaan na basta-basta nalang to mawala na parang bula.

Gusto kong sumama sapagkat gusto kong makita ang mga taong kahit papaano ay naging parte ng paglalakbay ko bilang isang estudyante, gusto ko makita ang mga taong nagpasaya, nangaway at nagpabababa sa pagkatao ko, gusto ko rin makita kung gaano na sila katayog sa buhay nila, at gusto ko din makita si Ria, gusto ko malaman kung inis parin sya saakin.

Ayaw ko namang pumunta doon sapagkat gusto ko munang palaguin ang negosyo ko dito sa Pilipinas and I find this time as an oppurtunity to reach its peak of success, gusto kong mas makilala ang brand ng negosyo ko sa bawat sulok ng pilipinas sa ngayon, ngunit kung sasama ako sa pagsasamang ito paniguradong hindi ko ito magagawa, ilang araw din ako mawawala.

At isa din sa dahilan kung bakit pinagiisipan ko ang pagsama ay si Siluna, alam ko g nakamasid lamang si Siluna at naghahanap ng tyempo para gumalaw at salakayin ako, tiyak kong hindi namin kakayanin ni Rascel si Siluna lalo na't di ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sakanya, naguluhan ako sa pinadala nyang liham, kakaiba sapagkat may mali sa liham nya, may kakaiba.

Gusto ko ding tantyahin ang sarili ko kung handa na ba akong makaharap sya kung sakali mang lumabas sya. Matatalo ko ba sya? o ako ang matatalo nya?

ano ang mga di kaasam-asam na mangyayari sa reunion namin kung sasama ako?

Nawala ako sa malalim na pag aanalisa ng mga bagay bagay nang biglang tumawag si Rascel.

hindi ako nagsalita at nilagay lang sa tenga ko ang aking cellphone.

"Oh ano? napag-isipan mo na ba?" agad nyang tanong.

"hindi pa, nahihirapan ako, gusto kong umayaw." Naguguluhan kong pagsagot.

"Napakaduwag mo naman pala kung ganon." Narinig ko ang mahinang pagtawa nito sa linya.

HINDI AKO DUWAG

biglang lumakas ang loob ko, bigla akong inudyok ng loob ko na sumama na at patunayan na malakas na ako, na hindi ako mahina, na I am no longer the Brythe that they met before, na ang kasalukuyang Brythe Saligomez ay hinding hindi na nila kayang tapak tapakan.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon