KABANATA 11

37 2 0
                                    

KABANATA 11: Bring Brythe to Life

Simon's POV

the only permanent thing on earth is change.

Cliché man pero totoo.

kasabay ng pagikot ng mundo ay ang pagbago ng tao, nagbabago ang tao dahil lumilipas ang oras, kada oras ay nagbibigay ng bagong leksyon sa tao, ang leksyon ay namamalagi sa puso't isipan ng tao, ang mga leksyong ito ang bumabago sa kilos at prinsipyo ng tao.

ang mga masasakit na pangyayari ang nagbabago sa puso't isipan ng tao para maging bato, matigas.

Brythe is an example of a sad change.

ang babaeng masayahin, totoo sa sarili, walang kinatatakutan at pinalaki ng pagmamahal

ay tuluyan nang nagbago.

Ngunit nagpoprotesta ang sarili ko na hindi pa sya nagbabago, nasasaktan lang si Bry! Hindi siya ganyan, nadadala lang sya ng galit, alam kong babalik din sya sa dati.

Gaano man sya katigas ngayon, darating ang oras na titingin siya ulit sa mata ko the same way na tumingin siya dito nung simula palang.

True Love melts the frozen heart. We realize how frozen we are when we start to love.

Love is powerful, love is like a fire, once ignited, it will burn you... not to death.

Hindi ko lubos maisip kung saan at paano ko siya sisimulang ligawan na ngayon hirap na hirap syang iwanan ang nakaraan nya, ayaw ko namang dumagdag pa sa hinaharap nya ngayon, pero I can't help myself na mas matutulungan ko sya pag nagkaroon na ako ng commitment sakanya.

Pwede naman ako mag commit sakanya pero gusto ko padin na alam nya, gusto ko parin na dumaan sa proseso.

Ngunit sa sitwasyon ngayon, napakahirap.

Ang babaeng nagbalik ng pagmamahal at saya sa puso ko, ay sya naman ang nagyelo ang puso.

Nakakabigla ang pagbabago ni Brythe, tila sya isang patay na nakangiti na naglalakad, pinipilit mabuhay. Pinatay sya ng sakit at galit, naaawa ako sakanya, everytime na makikita ko sya gusto kong hawiin lahat nang nakaharang sa aming dalawa, lalapitan ko sya at yayakapin nang napakahigpit. Gusto kong ipadama sakanya na nandito lang ako, na maaari nya akong sandalan, na may taong nagmamahal sakanya.

I miss her.

I can't stop staring at Brythe and Ria while they're arguing, hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang pagkakaibigan nila, bat parang ako ang nagpalayo sakanilang dalawa? Is it Ria's fault or mine?

Nagulat nalamang ako nang bigla akong tawagin ni Ria.

Wala na si Bry sa room at tila galit na galit si Ria sa nangyari nilang sagutan, ayaw ko naman makialam, lalo na kung si Ria ang dahilan, magiging dahilan na naman ito ng mga wild thoughts nya towards sakin.

"O ano Simon? kilala mo pa ba ang babaeng mahal mo?" nangungutya nitong tanong.

"Grabe Simon! Ganun na pala si Brythe no? HAHAHAHA napakawalang kwentang tao, parang wala man lamang kaming pinagsamahan!" Galit nyang sigaw, still waiting for my response.

"Nasasaktan kasi siya!" sagot ko

"Eh ako? hindi ba ako nasasaktan?!" mabilis nitong tanong

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa room nang ilang sandali.

anong gusto nyang sabihin?

" Ginawa ko na lahat Simon pero ano? Si Brythe pa rin?"

All this time, yan parin ang iniisip nya? Sa panahon ngayon kailangan kami ni Brythe, pero yan parin talaga?

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon