KABANATA 16: Kandila
Brythe's POV
Pano mabuhay? Kung wala ka nang rason para mabuhay?
Hindi ko lubusang maisip na ako ang paboritong tao ng pighati at lungkot, bakit?
Bakit palaging ako? Bakit? Bakit palaging ako ang masasaktan sa huli? Bakit ako ang maabgrabyado? Bakit? Anong mali ang nagawa ko? Ano ang dapat kong pagbayaran?
Bakit ako pa na nagmahal ng lubos? Bakit ako pa na ginawa lang ang lahat ng kaya ko para sa ikabubuti? Bakit?
Hindi ko alam kung pinaparusahan ako ng tadhana, pinaparusahan nya ako na wala man lang akong kaalam-alam.
Naiintindihan nyo ba ang nararamdaman ko?
Dati palagi kong pinapaalala sa sarili ko na ngumiti, na maging masaya lang, na maging positibo, na maging katulad ng mga bituin sa kalangitan na patuloy parin sa pagkinang kahit balot ito ng kadiliman, na maging tulad ng buwan, na kahit kulang, na kahit hindi buo, na kahit minsa'y nawawala, magliliwanag pa din sya, na katulad ng araw, kahit araw-araw ay sandamakmak na reklamo at hinaing ng mga tao dahil sa init na binibigay nito sa buong mundo ang naririnig nya, nariyan pa rin sya sa tuktok, walang pakialam at patuloy na magbibigay ng nakakasilaw na liwanag.
Ngunit tila dumating na ako sa punto na napagod na akong iremind ang sarili, pagod na akong icheer ang sarili kong walang araw na hindi nalugmok, pagod na ako.
Siguro kailangan ko nalang tanggapin na wala na talaga akong magagawa, patuloy nalang akong mahuhulog dahil hindi ko na maaalis ang kamay na humihila saakin patungo sa kadiliman, suko na ako.
kusang tumigil ang aking mga mata sa pag-iyak, naramdaman ko din ang pagmanhid ng buo kong katawan, hindi ko pinakialaman ang mga tingin saakin ng mga guro sa silid, niyakap ko lang ang aking mga binti, naghihintay sa mga susunod na mangyayari.
"Maam! Sir!" rinig kong sigaw ng isang panlalaking boses na hinihingal, kakapasok palang niya sa silid.
"Hinabol po namin si Simon, wala na po siya."
Suminghap ang mga nasa loob ng silid maging ako ay napatingin sa lalaki, hindi ko alam kung anong dapat kong magiging reaksyon, gulat ako.
"Hesusmaryosep." usal ni Mrs. Lyorna Reyes, siya ang babaeng nasa mid 40s na nagsalita kanina.
"Apat na ang patay, siguro kailangan muna naming lumabas tsaka magtulong doon sa mga nasa labas."
"Ano ba ang nangyari?!" Frustrated na sigaw ni Ms. Rica
"Sige, tumawag na din kayo ng pulis at ng ambulansya... kakausapin ko lang to." hayag ni Mrs. Reyes
"Nasaan si Brythe?!" Mabilis na lumingon ang lahat sa pintuan dahil sa sigaw na iyon
Nang mahagilap ako ni Ria sa silid ay agad ako nitong sinugod, hinayaan ko lang siyang kaladkarin ako palabas ng silid dahil namamanhid na talaga ang buo kong katawan, tila isa akong gulay.
Walang nakaawat sa nagwawalang si Ria, sinampal ako nito, tinadyakan kaya naman napasubsob ako sa lupa, at patuloy na sinabunot, hindi na ako nanlaban hanggang sa tuluyan na siyang mailayo saakin ng mga lalaking guro.
"Tangina mo Brythe!" Umiiyak na sigaw ni Ria.
Dahan-dahan naman akong tumayo habang inaalalayan ni Mrs. Reyes at iba pang mga guro.
"Pinatay mo si Simon! Killer ka! Punyeta ka Brythe! Wala kang utang na loob!" Nagwawalang sigaw nya.
"Kinaibigan ka ni Simon! Minahal ka nya! Tapos anong gagawin mo? Yan?! Mamatay ka na!" Dagdag nya.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?