KABANATA 23: Titig at Talim
Brythe's POV
Panibagong umaga na naman para saakin, panibagong hamon na naman ang aking kakaharapin sa araw na ito ngunit alam kong malalagpasan ko ito.
Palaban kaya ako.
Wala akong inuurungan.
Normal na umaga lang ang sumalubong saakin sa bagong bahay na siyang tinirhan ko ngayon dahil hindi ko alam kung babalik pa ako sa ibang bansa, I am thinking about it. Sawang sawa na ako sa mga lugar doon.
Siguro panahon na din na dito muna ako sa Pilipinas, malay mo may mga thrilling na magaganap sa mga susunod na araw, lalo na kapag nalaman ng ng pinakamamahal kong si Siluna na nakabalik na ako.
Magkikita kaya kami ulit?
Napakagaan tumira sa bagong bahay kong ito sapagkat kakaunti lang kaming naririto, si Gerome na aking pinagkakatiwalaang driver at ang dalawang matandang maids ko.
Hindi ko naman kakayaning mag ayos pa ng mga alibobot at panatilihing pleasant sa mata ang loob ng bahay ko kung ako pa ang maglilinis diba? I'm a busy person.
Nasabi kong mapagkakatiwalaan ko si Gerome sapagkat kilalang-kilala ko na siya, nag apply ito saakin nang nagsisimula pa lang ako sa pagnenegosyo, dati lang siyang naglalagay ng mga bote ng wine sa kahon, naging delivery boy din siya, naging driver ng truck hanggang sa maging driver ko, siya ang pinakamatagal kong empleyado, to make sure na mapagkakatiwalaan siya, sinusundan ko siya dati ng patago, and alam kong he's good, kahit mabagal siyang kumilos.
"Good morning Miss Brythe." Masayang bati saakin ni Hanna na bitbit ang kanyang notepad.
"Good morning." Bati ko sakanya pati na rin sa mga kasambahay ko.
"Sabayan nyo na ako sa pagkain." Utos ko sakanila na nagpaliwanag ng kanilang mga mukha.
"Miss Brythe, ang ganda ata ng tulog nyo today ha." Biro ni Hanna
"Kumain na kayo, except you Hanna, ang daldal mo talaga."
"Naku naku Miss Brythe, pasalamat ka at prepared ang inyong magandang secretary kasi nag almusal na ako sa bahay! Nagluto ng masarap na agahan ang nanay."
Nanay.
Napakasakit sa pandinig, napakasakit sa puso.
"Why would I thank you?"
"Joke lang maam, sige po eatwell, ipaready ko na po kay Gerome yung car." Kabado pa itong tumawa at akmang aalis na sana.
"Bitch, come back, umupo ka na dyan and kumain, wag mong turuan si Gerome, alam nya ang trabaho nya."
"Ireremind ko lang po sana."
"Uupo ka o sesesantihin na kita?" Tinuro ko pa sakanya ang hawak-hawak kong bread knife, as if naman masasaksak ko siya nun.
"Hehe, joke time!" Kwelang sabi nya at umupo.
Matagal-tagal na din si Hannang nagtatrabaho saakin, kasa-kasama ko na siya noon sa U.S pa lamang, maganda siyang kasama sapagkat napakadaldal at masiyahin, pero hindi all the time masayang may makasamang katulad nya lalo na kapag masakit na ang ulo mo sa stress, at dagdagan pa ng kakulitan ng bruhang ito ay gugustuhin mo nalang na gisahin siya.
Pagkatapos kumain ay binigyan ko ng bilin ang dalawang kasambahay.
"Pakisigurado po na maayos itong bahay, matatagalan ako ngayong umuwi dahil pupunta ako sa mga farm ko ngayon, gusto kong asikasuhin mga problema sa mga tauhan ko roon, make sure na sarado ang gate, wag kayong papapasok kahit sino, sige po, ingat."
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?