KABANATA 26

10 0 1
                                    

KABANATA 26: Mga Hakbang

Brythe's POV

Ramdam na ramdam ko ang init ng paligid, amoy ko rin ang kahoy na nasusunog.

Asan ako?

Hindi ko magawang buksan ang mga mata ko, napakabigat ng mga ito ngunit gamit ang buong lakas ay pilit ko itong idinilat.

Nakaratay pala ako sa madamong lugar, sinalubong din ako ng mapayapa at kumikinang na himpapawid ng gabi.

Gumalaw ako ngunit agad dumaing sa sakit ng buong katawan, at nang mapagtanto ko ay naririto pala ako sa burol, kung saan ako lumaki.

"Brythe."

Bumilis ang tibok ng puso ko, doble sa normal na pagtibok, kundi dahil sa kaba at takot.

Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang boses nya, ngunit nilakasan ko ang loob at nilingon ang lalaking kinamumuhian ko.

Ngumiti ito ng nakakatakot, maya maya pa ay napalitan ito ng ngisi.

Isang nakakademonyong ngisi.

"S-simon..."

"Kamusta na, Brythe?"

"Anong kailangan mo saakin?"

"Bat masyado kang excited? Tumayo ka muna, mukha kang kawawa."

"Tumigil ka na Simon!" Sigaw ko at galit na tinignan sya.

Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako, maraming panahon ang ginugol ko para palakasin ang sarili ko para sa susunod naming pagkikita ay mapapatay ko sya at mapaparusahan ng walang kahirap-hirap.

Ngumiti lang si Simon, ginagamit nya ang pagiging mahina ko ngayon para lugmukin ako at tuluyang matalo.

"Anak!"

Mama?

Lumaki ang aking mga mata at napatayo wala sa oras nang marinig ang boses ng mama.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko sapagkat sa matagal na panahon na nanabik ako sa boses nya ay heto, muli kong naririnig ang boses nya.

Matapang kong tinignan si Siluna, babawiin ko ang mama ko sakanya.

"Ilabas mo si mama!"

Ngumisi si Simon at inilabas si mama mula sa nasusunog na bahay.

Itinulak ni Siluna si mama dahilan ng pagkaluhod nito, umiiyak si mama sa takot.

Papalapit na sana ako kay mama nang biglang pinaputukan ni Simon si mama sa ulo.

"MAMA!"

"No!"

Mabilis pa sa liwanag na napaupo ako sa kama, masakit man sa ulo ang ginawa ko pero...

Hindi ko matanggap na napanaginipan ko iyon, hindi ko lubusan maisip na magagawa yun ni Simon kung sakali man sapagkat hindi ko pa ito personal na nakikita na gumawa ng ganoong kasakiman, at hindi ko din makaya na sa nanay ko pa nya nagawa yun.

Sunod-sunod ang mabibigat na paghinga ko, alam kong panaginip lang iyon pero hindi ko maalis sa isipan ang nangyari, alam kong nagdadala ito ng babala saakin sapagkat alam kong buhay pa si Simon, at kung mahahanap ko man siya, ano na ang mga kaya nyang gawin?

Makakaya ko bang harapin ang taong minsan kong minahal?

Makakaya ko ba syang kalabanin? At ipalasap ang sinasabi ko noong paghihiganti sa kanya?

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon