KABANATA 21

17 0 0
                                    

KABANATA 21: Nakaraan

Brythe's POV

Sampung taon.

Sampung taon na ang lumipas simula nang lisanin ko ang Pilipinas para magsimula ng bagong buhay.

Ginawa ko ang natatanging paraan na alam kong magagawa ko para lisanin ang lahat ng masasakit na alaala na akala ko'y pinakawalan ko na.

Pero ngayon?

I finally moved on, matagal na.

Iniwan ko na ang mga alaala ng pagkamatay ni Mama at Papa, pati na rin si Siluna.

Sa isang dekadang nanatili ako sa U.S. ay nagbago ang buhay ko, nagbago sa isang maganda at komportable, lahat ng pangarap ko ay tinupad ko mag isa.

Lahat ng yaman na meron ako ngayon ay galing sa sarili kong pagsisikap, walang tulong galing sa iba.

Hindi lang ako nagpayaman, pinalakas ko rin ang sarili ko, inalis ko lahat ng maaaring magpahina saakin, naging mailap ako sa mga malapit na tao saakin simula nang muling pagbukas ng mga mata ko.

Pagkatapos ng mga trahedya sa buhay ko ay heto ako ngayon, labis labis na biyaya ang natatanggap, tama nga si mama.

"Miss Brythe, heto na po yung papers nung sa bibilhin nating lupa sa Pilipinas." Nakangiting balita saakin ng sekretarya.

Tinaasan ko ito ng kilay at kinuha ang folder na inabot nya saakin.

"Magaling." Sagot ko.

Tinignan ko ang babae sa kanyang mata na agad nya namang nakuha ang aking gustong sabihin, yumuko ito at umalis ng aking opisina.

Sampung taon na ang lumisan.

Tiyak kong handa na ako sa aking pagbabalik.

Handa na akong harapin ang mga alaalang minsan na akong hinabol.

Ngayon ko papatunayan na hindi na takot ang Brythe Saligomez ngayon.

Oras na ng pagbabalik.

Oras na para mabuhay ang babaeng pinatay nila.

Oras na para bumalik sa simula.

Third Person's POV

Malamig ang simoy ng hangin sa lugar na kinalakihan ni Brythe, naroroon pa rin ang burol kahit napalitan na ang mga bahay na tagpi tagpi doon ng mga naglalakihang bahay.

Madilim ang paligid, na nagpadagdag sa malamig na atmospera ng lugar, dagdag pa ang mga street lights na bukas, at ang mga huni ng mga panggabing mga hayop tulad ng ibon.

Sampung taon na ang nakakaraan simula ang pagsabog ng mall kung saan naiwan si Brythe.

Hindi totoo ang pagsabog, ito ay isang bomb scare, ngunit dahil na rin sa kakulangan ng seguridad ng mall ay pinasara ito.

Hindi namatay si Brythe.

Ang kahon na sinasabi nilang may laman na bomba ay hindi tunay na bomba ang laman, may speaker na nakaloob dito na dinesenyong pangbomba dahil sa mga nakakabit na iba't ibang kulay na maninipis na wire dito, nagkaroon din ng maitim na usok dahil may sumadya nito.

Hindi nagkaroon ng apoy, ngunit kinain ng makapal na usok ang buong mall na nagpahina ng katawan ni Brythe, to the point na nag undergo siya ng comatose, tatlong buwan siyang nakaratay sa ospital na walang malay, dalawang buwan siyang nakaratay na nakatulala lamang.

Si Lyorna naman ay nadiagnose na may butas ang puso kaya napaaga ang kanilang pagtungo sa U.S. para sa operasyon nito, ngunit hindi sumama si Rica, dahil hindi sang ayon ang kanyang asawa at hindi nya naman madadala ang anak nya sa bansang patutunguhan dahil na rin meron itong mga primary health concerns.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon