KABANATA 8: Galit at Pangako
Ang nanay ko ang parehong ilaw at haligi ng aming tahanan, mahirap man para sakanya pero ginawa nya parin, tinaguyod nya ako mag isa, nagpakatatag sya, isa siyang superhero.
Simula nang mamatay si papa at magbago ang buhay namin, siya na ang nag alaga saakin, alam kong mahirap sakanya sapagkat dati ang mga kasambahay ang nagpapakain sakin, ngayon kailangan nya pang kumayod para lang pakainin ako.
Nawalan man ako ng haligi, napalitan naman ito ni mama, pinanatili nyang matatag at matibay ang aming bahay, at binigyan ng liwanag
At ngayon, di ko alam kung anong mangyayari sakin kung ang nagbibigay buhay sakin ay mawala pa.
Mabilis kong inalis ang mga nakakabit sa katawan ko, kahit masakit ang katawan ko ay nagtatatakbong lumabas ako ng aking kwarto. Alam ko na ang gagawin ni Siluna at di ko hahayaang galawin nya ang nanay ko!
"Bry!" sigaw ni Simon na nakabantay lang sa gilid ng pintuan ko,hindi ko sya pinansin at patuloy na tumakbo.
Nagkagulo ang mga nurse na nadaanan ko at nagsigawan para hulihin ako.
Mabilis akong lumabas ng hospital, wala akong pakialam kahit hinahabol ako ng mga nurse at ni Simon tsaka sa damit kong pang pasyente ngayon, agad akong tumawag ng tricycle at sumakay, kailangan kong maabutan si mama!
Tatanggihan sana ako ang driver kaya binasag ko ang side mirror ,kinuha at itinutok sakanya ang matulis na bahagi nito, kaya napilitan syang ipasakay ako.
Sinilip ko ang mga tao sa likod ko, sumakay sila sa ambulansya at sinundan kami.
"Kuya, wag kang titigil! wag kang magpahabol sakanila!" utos ko sa tricycle driver.
Di ko mapigilan ang kumakabog kong puso, hindi ko kaya ang mga nangyayari ngayon! hindi maaaring madisgrasya ang mama ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hinding hindi.
Kung ako ang gusto mong puruhan Siluna, ako nalang, wag ka nang manghuli ng iba, kung sakin ka may galit, ako ang harapin mo, wag ka na magdamay.
pinunasan ko ang luhang lumandas sa aking pisngi at pilit na tinitibayan ang loob, maabutan ko si mama, at mahuhuli ko si Siluna.
Simon's POV
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, hindi ko alam kung bakit tumakas ng ospital si Bry, pero natitiyak kong may di magandang nangyayari, Inasahan ko na to.
"Bilisan nyo kuya!" sigaw ko sa driver ng ambulansya.
Hindi na pwedeng madisgrasya si Brythe.
"Ano ba ang nangyari sa pasyente ba't sya nagtatatakbo?! Malala pa ang mga sugat nya!" tanong ng nurse na nasa harap ko na naiinis sa ginawa ng pasyente.
"Hindi ko po alam, bigla nalang syang lumabas nang ganon po."
anong nangyari Brythe?
"Simon,iho, umuwi ka na muna daw sabi ni Bry, magpahinga ka na kasi may pasok ka pa bukas." sabi sakin ng mama ni Bry paglabas nya sa room nito.
"hala, wag na po, okay lang po ako dito, babantayan ko po sya" nakangiting sagot ko
"Iho, utos yan ni Bry, uuwi muna ako may kukunin ako sa bahay. Umuwi ka na din." pilit ni mama niya.
"Hintayin ko nalang po kayo, dito lang po ako." Gusto kong bantayan si Brythe, gusto kong masigurado na ligtas sya.
Lumagpas ang tingin ko sa mama ni Bry nang makita ko ang isang lalaking nakasumbrero at tila binabantayan kami, nang mahalata nitong nakatingin ako sakanya ay tumalikod ito at dahan dahang naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Misteri / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?