KABANATA 15

44 2 0
                                    

KABANATA 15: Siluna's Endgame

Brythe's POV

expectations can ruin yourself.

"Shut up, Simon! Wala kang pakialam kung anong mga desisyon ko sa buhay, Siluna!"

"Shut up, Simon! Wala kang pakialam kung anong mga desisyon ko sa buhay, Siluna!"

Siluna

Siluna

Siluna

Nanatili lang akong nakatingin sakanila, hinihintay ang isa sakanilang sumagot sa tanong ko, wala na akong lakas para ulitin ang tanong ko dahil gumagaralgal na boses ko, at tila umuurong ang aking dila.

Gusto ko ng kasagutan.

Nang makaalis na sa pagkagulat ang lalaking nakaitim na punit na ang sa telang nakabalot sa mukha nya, ay bigla itong tumawa at binaba ang patalim na nakatutok kay Simon.

"Wow naman nandito na ang nag iisang Saligomez!" Nagpapalakpak nitong sabi.

"Ang galing mo talagang babae ka, kung saan maganda na ang mga nangyayari bigla kang sumusulpot HAHAHAHA! I admire you na, keep it up."

"Umalis ka na dito." Narinig kong bulong ni Simon sakanya, pinipigilan ang sarili na sugurin ang lalaki.

"NO! May tanong pa si Brythe!" Sigaw nito.

Nakangiti siyang humarap sakin.

"Yes, Brythe."

Nahihirapan na akong huminga, ayaw ko nang marinig ang mga susunod nyang sasabihin.

"Sya si Siluna, ang taong kinamumuhian mo." Tumawa ito ng napakalakas at patuloy na humahagikhik habang tumatalon-talon papalayo saamin.

"Sya si Siluna, ang taong kinamumuhian mo."

"Sya si Siluna, ang taong kinamumuhian mo."

masyado akong naging kampante, masyado akong nagtiwala, masyado kong sinagad ang katangahang taglay ko kaya naman sumakto ako sa patibong ni Siluna, ang lalaking inakala kong isasalba ako sa kalungkutan, ang lalaking inakala kong ililigtas ako sa hagupit ng galit at sakit, naririto siya sa harap ko, tuluyan akong ikinulong sa madilim na bagong mundo ko.

"Sya si Siluna, ang taong kinamumuhian mo."

Sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinapakawalan ko, hindi ako makahinga ng maayos, naghahalong galit at sakit ang nararamdaman ko,mabilis, pinupuno ang aking dibdib, naghihintay nalang ako sa pagsabog nito.

"Sya si Siluna, ang taong kinamumuhian mo."

Paulit-ulit na naririnig ko ang boses ng lalaki, pinipilit ang sarili na intindihin ang mga sinabi ng lalaki.

Inangat ko ang tingin mula sa lupa papunta kay Simon.

Nasasaktan ako.

Naaawa ako sa sarili ko.

Kilala ba talaga kita, Simon?

nakatingin lang siya saakin, habang ako ay puno ng pagtatakang sinalubong ang mga tingin nya, ngunit ang kahulugan ng tinginan namin ay nagbago na, ang tinginang dati'y puno ng pagmamahal at nangangako, ay ngayo'y napalitan ng galit at sakit na paulit-ulit nang nararamdaman ng isang Saligomez.

kinakain kami ng katahimikan, ngunit napakaingay ng mga mata namin, nagbabatuhan ng tanong at di makuha-kuhang sagot.

"B-Brythe..." humakbang siya papalapit saakin, kaya di ko na napigilan ang sarili kong tumakbo papunta sakanya.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon