KABANATA 1

289 9 11
                                    

KABANATA 1: Anino

*tok *tok

sino naman kaya to? ala una na ng gabi katok pa nang katok! echusera.

*tok *tok *tok

habang tumatagal ang katok ay pabilis nang pabilis at palakas nang palakas, salamat sya gising pa ako!

Pabagsak kong binaba ang kape kong iniinom at naiinis na tinignan ang pinto, makailan ang ilang segundo ay bumalik ako sa pagsusulat ng records saaking laptop.

*tok *tok *tok *tok *tok *tok *tok

makalipas ang kakaunting segundo ay sunod-sunod na malalakas na katok ang nanggaling sa pintuan, tila hindi sya titigil kung hindi ako magpaparamdam, nakakainis, nakakasakit ng ulo, walang tigil ang tao sa labas sa pagkatok.

"bwiset! HINTAY LANG!" sigaw ko sa may pintuan, I finally gave up.

loko to ha, kukutungin ko to!

hindi pa ito nakuntento at kumatok pa ng tatlo sa kahoy na pinto.

*tok *tok *tok

balak ko sanang buksan ang bintana malapit sa pintuan namin kaso nakakatamad iyon buksan kasi mabigat.

ginulo ko ang aking buhok, nagsingkit singkitan para magkunwareng bagong gising at marahang binuksan ang pinto

"TANGINA MO HA!" sigaw ko pag kabukas ng pinto...

ngunit...

walang tao.

na sya ding ikinagulat ko, sinalubong lang ako ng malamig na hangin at nakitang bukas ang gate ng bahay.

agad nagsitayuan ang aking mga balahibo.

S-sino ang kumakatok? paniguradong nasa paligid lang sya kasi sinarado ko ang gate ng bahay, I always do that kasi maraming masamang loob dito sa lugar namin, kaya nga balak ko nang lumipat ng bahay pagkasweldo ko.

Kinakabahan man ay agad kong kinuha ang walis tambo na nakasabit sa katabi ng pintuan, naghanda na paluin ang sino mang dumating. Huminga ako ng malalim at humakbang ng isa, isasarado ko lang ang gate at babalik na ako sa loob.

*krt

Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko nang sa pagkababa ng paa ko ay saktong may kumaluskos, hindi ko maexplain pero di ko nagugustuhan ang nangyayari, I think I need sleep, I better sleep after this. Natatakot man ay hinanda ko parin ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari.

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa walis tambo na handa nang pumalo. Wala akong pakialam kung magmukha man akong katawa-tawa sa suot kong oversized tshirt at magulong buhok.

humakbang muli ako ng isa at isa na namang kaluskos ang aking narinig kaya agad akong tumingin sa baba, at nakita ang isang sulat na may ribbon, kulay brown ito at may mga sunog sunog sa mga edges, sinadya ito para aesthetic tignan, Sinuri ko ito at unti unting binuksan, ngunit dahil nga naapakan ko ito ay tila natupi ito.

ibinaba ko ang walis tambo at inipit sa pagitan ng aking legs at nanginginig na binuksan ang sulat.

"Mag ingat ka" pagbasa ko.

napakunot noo ako sa nabasa ko, wow naman ang secret admirer ko, madaling araw ako nilalandi, iba talaga.

kanino naman kaya galing to? naglingon lingon ako sa paligid,walang tao, kundi mga poste lamang at puno ng mangga ang nasa labas ng gate, at posteng kumukutikutitap di kalayuan.

Tinignan kong muli ang liham at nabasa ang pangalan ng nagpadala sa ibaba ng sulat.

"S-siluna?" sino si Siluna? sya ang nagpadala ng sulat, ngunit di ko sya kilala,baka nantitrip lang, wala naman akong kilalang siluna eh, ayy kaya nga pala SECRET admirer.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon