KABANATA 9

42 3 2
                                    

KABANATA 9: Hinagpis

Brythe's POV

Kung sino pa ang taong pinapahalagahan mo yun pa ang mabilis mawala, bakit ganon?

May pagkukulang ba ako? Nagkulang ba ako? Ano ang wala saakin?

Napakaikli ng buhay ng tao, sobrang ikli. Everyday is a one step away from today, at kada segundong lumilipas ay sya ding pag ikli ng oras ng taong pinapahalagahan mo.

Pagkatapos ng mga nangyari ngayon ay nanatili akong umaasa na sana may magbukas ng pinto ko at pumasok ang isang pamilyar na babae na may ngiti sa kanyang mga labi, mag uusap kami at sa huli'y sasabihan nya ako ng nak, mahal na mahal kita.

Mahirap mawalan ng taong masasandalan, tila mas masakit pa kesa sa isang libong tadtad ng saksak sa puso ko.

Ngayong wala na ang nanay ko, paano na ako tatayo? How I will rise from the floor, kung wala na sya na tinutulungan akong bumangon sa kada pagkadapa ko.

Paano na ako lalaban kung ang armas ko ay naglaho na, iniwan na ako, nag iisa sa giyera ng buhay.

ang bilis ng pangyayari, sobrang bilis, sa sobrang bilis nito ay pinabagal ang pagtibok ng puso ko, pinabagal ang pag iisip ko, pinabagal ang paghinga ko, making me think, what if sumunod nalang ako?

Nasa punto na ako ng buhay ko na gusto ko na maglaho at matulog na pang habangbuhay, I have no reasons to live, wala na ang taong inaalayan ko ng mga achievements , hindi ko na alam kung saan ako patungo pagkatapos nito, hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin pagkatapos ng trahedyang ito.

Wala akong maisip, blanko ang isipan ko, di ko alam ang mga sagot sa mga tanong ako lang naman ang bumuo.

Nawala ang gana kong mabuhay.

ipinikit ko ang aking mga mata at inalala si mama.

Inalala ko ang boses nyang tila isang napakagandang himig na nagpapaalala ng pagmamahal nya, isang napakagandang awitin na pilit inaayos at binabago ang mundo kong madilim.

Paano na kaya makakarinig ng mga awitin ang aking tenga kung ang paboritong himig nito ay wala na?

ang yakap nyang may magic na inaalis ang pagod at hinanakit ko sa buong araw, ang init ng kanyang mga bisig na nililigtas ako sa lamig.

Paano pa kaya ako makakaramdam ng init kapag binalot na ako ng lamig?

Ang mata nyang nagsasabing sabik syang makita ako, na masaya syang makitang maayos ako, mga ngiti nyang tunay at mga halik nyang nag iiwan ng marka hindi lamang sa pisngi ko kundi saaking puso.

Hindi lang isang tao ang nawala saakin, nawala din sakin ang isang napakaimportanteng bagay na syang tanging kayaman ko.

Ang pagmamahal ng isang ina.

I'm very down, Siluna. Alam kong masaya ka ngayon.

Lahat ng iyon ay hindi na mauulit , wala na ang taong magpaparamdam sakin ng pagmamahal ng isang ina, wala na.

Wala na ang pamilyang pilit kong binubuo muli kahit imposible

Wala na ang pamilyang gusto kong pagbuklurin kahit alam kong di na pwede.

Dalawang taong nagbigay ng pagmamahal saakin, dalawa rin ang taong kumitil sakanila, napakagaling nga naman nila.

Ang mundo ng mga tao ay madilim, wala na akong maaninag ng pag asa sa kanila. Lahat gagawin nila para sila ang maghari, mga lapastangan.

Ngayon, mag isa nalang ako sa buhay, di alam ang dereksyong patutunguhan dahil wala na akong mapa at compass na magtuturo sakin kung saan ba dapat. Mas lalong mahirap mabuhay.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon