Kabanata 28: Ria
Third Person's POV
Napakabilis lang talaga ng oras, dati rati ang mga taong ito ay mga estudyante pa lamang na tinatamad pumasok at madalas maabutan ni Brythe na inaantok ang mga mukha sa tuwing papasok sya sa kanyang paaralan.
Napangiti si Brythe habang binibigyan nya ng tingin ang lahat ng mukha sa paligid nya, naalala nya lahat ng masasayang araw at malulungkot na sandali noong siya'y isa pang huwarang estudyante ng Sinag.
Labis ang sayang nararamdaman nya sapagkat nalagpasan niya at ng mga taong nakapalibot sakanya ang tindi ng pag-aaral sa Sinag na siyang tinitingalang paaralan noon na halos palaging nanalo sa mga international at national academic contests, wala ni isang taga-labas ang nakakuha ng lakas-loob para kaharapin sila o hamunin sapagkat alam na ng mga ito na wala silang laban.
Grabe na talaga ang mga nangyari, lahat sila ay propesyunal na na mga tao, at tinitingala pa, laking pasalamat nila sa paaralang humubog sakanila para abutin ang kani-kanilang tugatog ng tagumpay.
Hindi naman necessity sa buhay na tingilain, but for practicality, pag tinitingala ka ng mga tao, the less non-beneficial na mga bagay ang matatamasa mo.
Kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga taga-Sinag si Brythe na kakababa palang sa isang magarang kotse, ang kotseng ito ay ngayon nya lamang inilabas sa kanyang garahe sapagkat ito ang pinakamahal sa mga kotse nya at ayaw niya itong magagasgasan lamang o ano pa man, ginamit niya ito ngayon sapagkat gusto nyang makakuha ng atensyon na siyang kasama sakanyang mga plano.
"Mabuti naman at dumating ka." nakangiting sabi ni Rascel.
ngumiti pabalik sakanya si Brythe, ngunit sa kaloob-looban nya ay nag-iisip parin sya kung tama ang kanyang pagkilos.
"Gagawin ko to para kay mama." sagot nito.
Sunod-sunod na mga tanong ang ibinato kay Brythe, pinagkakaguluhan sya ng lahat, kahit hindi nya kaklase o kabatch ay nakapaligid sakanya para maki usyuso.
Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sakanya, siya lang naman ang may pinakamaraming awards na natanggap sa buong kasaysayang ng Sinag, nakuha pa nito ang pinakamataas na award na kayang ibigay ng Sinag, kaya sino ang makakalimot sa kanya?
"Kamusta ka na Bry?" tanong ni Luke, ahead sakanya ito ng isang taon sa sinag.
"maayos naman." tipid nitong sagot.
"Hey Brythe! I must invite you sa vlog ko, later isasama kita sa filming pagdating natin sa camp!" masayang pagyaya ni Emilia, na dating kaklase ni Brythe, isa na itong sikat na vlogger ngayon.
tumango lang si Brythe para sumang-ayon.
Masaya sya sa atensyong natatanggap nya kahit hindi nya naman ito inaasam sapagkat sa kinahaba-haba ng panahon ay natatandaan parin siya ng mga ito, kahit alam niyang ang iba dito ay peke, wala siyang pakialam.
Kanina pa sya naghahanap sa mga taong nakapalibot sakanya, hinahanap niya si Ria.
Maya-maya ay kumunti nalang ang mga tao, sapagkat maghahanda na ang lahat sa pag-alis, sampu nalang silang natirang nag-uusap, lahat ito ay kabatch ni Brythe.
Sa kalagitnaan ng kanilang pagtawa ay may dumating na isa pang kotse na tiyak nilang bagong bili dahil sa kinang nito, muli, nakuha nito ang atensyon ng lahat kahit ang iba ay busy na sa paghahanda.
Tumigil ang oras para kay Brythe nang makita nya ang babaeng bumaba sa kotse.
Isang nakablonde na babae na napakaganda, hindi lang ng mukha kundi pati narin ang tindig nito, tila isang propesyunal na modelo.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Misterio / SuspensoKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?