KABANATA 10: Pagbabagong-tingin
Simon's POV
apat na araw nang di pumapasok si Brythe sa school, marami na syang namimiss na classes.
Apat na araw na ding nananabik ang mata kong makita sya ulit, walang may alam kung kailan sya babalik.
Sa apat na araw na wala sya, nanalangin ako sa bawat umaga at gabi na sana'y maayos sya, sana'y bumalik na sya.
everything is fine, nagkaroon ng katahimikan ang buhay ko sa school simula nung nawala si Brythe, isang himala na natigil ang mga aksidente, mga patay at awayan sa buong campus.
Everything is goo except for.
simula nung gabing namatay si tita, hindi na kami nagkita muli, lumipat na rin ng tinitirhan si Brythe, alam kong masakit para sakanya ang humakbang papalayo sa masakit na trahedyang iyon, gusto ko syang puntahan at kamustahin, pero sabi ng mga tumulong sakanya ay ayaw daw ni Bry na may pumupuntang bisita sa tinutuluyan nya, masyado nya pang dinadamdam ang sakit.
nag aalala na ako, nahihirapan akong matulog sa gabi, palagi kong iniisip sya, kumakain ba sya ng maayos? natutulog ba sya? Umiiyak pa ba sya?
ngayon na ang huling linggo ng school year, sana naman ay bumalik na sya, sa dalawang araw ng linggo ay dadalhin kami sa field para gawin ang physical examinationl namin, pupuntahan namin ay isang maze sa malapit lang na lungsod para lang sa exam na ito.
maaga akong pumasok sa school para icheck ang mga dadalhin ko sa field, overnight stay kami doon, hindi ko alam kung mag eenjoy ba ako, siguro, kung nandon si Bry.
I thought kakaunti pa lang ang mga estudyante na nandito pero nagkakamali ako, everyone (sa batch ko) ay excited para sa pagpunta namin sa field, pero this isn't a field trip guys, isa tong examination, dapat mapasa mo to, kasi kung hindi mag tetake ka ng summer class sa subject na nabagsakan mo, ganyan katindi dito sa SINAG, meron nga kaming kabatch na hindi maipasa ang Biology kaya palagi syang bumabalik sa year level na to, siguro pangatlo nya na, sinayang nya lang ang oppurtunities.
Tumigil ako sa pag iisip ng kung ano ano...
habang naglalakad, nakita ko ang babaeng kumuha ng puso ko, she is smiling habang naglalakad, papalapit saakin, pagkatapos ng apat na araw, nakita ko na sya ulit, she's hiding her pain, nakikita ko, kahit nakangiti sya.
agad syang nilapitan ng mga kaklase namin at kinamusta, nginitian sya nito at sinagot sila ng "maayos naman ako." hindi ko na sya nilapitan pero I'm happy that she's back.
NOW I CAN SAY NA MAG EENJOY AKO SA TWO-DAY OUT OF SCHOOL TRIP- should I say EXAMINATION- DAHIL NANDYAN NA SI BRYTHE!
Nagulat naman ako nang bigla ako salubungin ng isang bati.
"Hi Simon! kamusta?" araw araw, pag papasok ako sa room, siya ang unang babati saakin, si Ria.
"Ria, nandyan na ang kaibigan mo, si Bry." I said at her smiling.
pero imbes na matuwa sya, nabahiran ng inis at lungkot ang mukha nya, what's wrong with her? kaibigan nya si Brythe!
" may problema ba?"
"Oo." deretsahang sagot ni Ria.
Here she goes, napaka toxic ng trait nyang ito.
" bakit palaging si Brythe ang nasa isip mo? Nandito naman ako ha? Everytime na wala sya nandito ako, pero bat sya ang hinahanap mo? Sinasalo kita sa apat na araw kapag malungkot ka, ako ang unang bumabati sayo pag karating mo, I care for you, Simon, hindi mo ba nakikita? yung mga efforts ko... and everything? mahal kita Simon!" dagdag nito habang nakatingin sa mata ko.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Misteri / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?