KABANATA 19

54 2 0
                                    

KABANATA 19: Pagtatapos

Brythe's POV

Lahat ng bagyo ay may katapusan, gaano man ito kalakas, mapinsala, at kahagupit, darating pa rin ang araw kung saan sisikat muli ang araw at hahawiin ang mga madidilim na ulap.

Anim na taon, anim na taon ang ginugol ko para marating ang araw na ito, ang araw na masasabi ko "sa wakas, nagawa ko."

Anim na taon ang pinaghirapan ko, tiniis ko ang ilang gabing kinawalan ko ng tulog, mga umagang uhaw sa pahinga, mga tanghaling kumakalam ang sikmura. Tiniis ko ang lahat, tiniis ko ang mga pagsubok na magpahanggang ngayon ay patuloy akong nilulubog, ngunit hindi nila ata ako kilala.

Ako ang babaeng isinilang para pagdaanan ang mga kaganapan na hindi kayang pagdaanan ng karamihan, ako ang batang babae na nakita kung paano pinatay ang ama, ang babaeng nakita kung pano tinupok ng apoy ang pinakamamahal na ina, ang babaeng winakasan ang mayroon siya, ang babaeng tinalikuran ng lahat, ang babaeng tinaksilan ng pinakamamahal niyang lalaki, pinaglaruan siya ng lalaking pinagkatiwalaan niya ng buong buhay nya.

Napasok ko na ang pinakamadilim na yugto ng buhay ko at eto na! Nasa dulo na ako, natanaw ko na ang liwanag, katapusan na ng lahat.

Katapusan na ng

Pighati

Pighating pumipiga sa mata ko na ilabas lahat ng luha, pighating pinagod ang aking mga mata sa oras-oras na kaiiyak.

Sakit

Tila martilyo saaking dibdib, habang tumatagal malakas na pinapalo ang aking puso, pinapako ang pusong tila naging bato.

Galit

Na siyang pisi na sinakal ang aking buong pagkatao, nilason ang aking pag iisip.

Lungkot

Na nagpahirap saaking salubungin ang bawat umaga, ang nag paasa saakin sa mga bagay na imposibleng maganap.

Pagtataka

Ang isipa'y pinuno ng pagtataka at mga katanungan na hindi ako pinapatulog sa gabi.

Pagkabuhol-buhol ng isip

Pinipigilan akong mag isip ng tama, magdesisyon ng tama, tila ako'y nakakulong sa isang lugar na maraming pintuan, hindi mahanap ang labasan.

Pagkadismaya

At dahil ako'y umasa at nagtiwala.

Nasa katapusan na tayo.

Iginala ko ang aking tingin sa hardin ng Sinag, hinahanap ko ang alagang pusa namin ni Ria, matagal na din simula nang dalawin ko si Fhrea.

Wala siya sa kanyang pinagtataguan, marahil ay may nakakita dito at pinatakas.

Maaari ding...

"Hinahanap mo si Fhrea?" Mataray na tanong ng isang boses.

Inalis ko ang aking emosyon at blankong tinignan ang babaeng nagtanong.

Ngumisi lang ito

"Wala na siya Bry, pinakawalan ko na siya, remember bawal ang HAYOP sa Sinag."

"So, bakit ka nandito?"

I took a step away from her, ayaw ko makipagtalo, ayaw kong masira ang mood ko, lalo pa't mamaya ay tataas na ako sa stage, isa sa pinakaaasam kong bagay.

"Bumalik ka dito, Killer!" Sigaw sakin ni Ria.

Tumigil ako sa paglalakad, ngumiti at binalingan siya.

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon