KABANATA 17: Panalangin
Mrs. Lyorna's POV
Pagkarating sa Sinag ay agad na tinungo naming grupo ng mga guro ang Conference room, magkakaroon kami ng meeting tungkol sa insedenteng nangyari sa field.
Ako ang nangunguna sa paglalakad, hindi ko maikaila ang kabang nararamdaman ko, hindi ako nanghihinayang sa trabaho ko, nanghihinayang ako sa mga estudyanteng lilipat ng paaralan kung sakaling matuloy ang pagsasara ng paaralang ito, idagdag mo pa na napalapit na rin saakin ang paaralang ito.
"Rica, ano pang tinatayo mo jan?" Tawag ko sa aking anak na hindi pa pumapasok sa loob ng conference room, maya maya ay darating na si Madam Principal, tiyak na galit iyon.
"Tatawagan ko lang ma si Dexter, I should report na nakauwi na tayo baka mag alala yun." Sagot nito, uunahin nya pa talaga ang asawa nya.
Hindi ko na lamang siya sinagot at pumasok na sa loob, hindi kinain ng katahimikan ang buong kwarto ay bagkus nagtatalo-talo ang mga guro sa nangyari sa field, gulong-gulo ang mga maestra't maestrong di sumama sa field, wala silang kaalam-alam sa pangyayari.
"kung dito nyo nalang sana ginawa yang exam niyo edi sana wala tayong problema ngayon!" sigaw ng guro sa grade 11, isa siyang Biology teacher.
"Feeling nyo kasi major subject kayo, P.E. lang kayo! Edi sana pina exam niyo nalang ang mga bata by running sa buong campus sa kung ilan ang gusto nyo!" Sigaw pa ng isang guro sa grade 7.
" nyan kasi, hayok na hayok kayo na lumabas sa campus!"
"Tangina nyong lahat! Wag kayong magsalita dahil newbies lang kayo, tradisyon na yan ng Sinag, mga gago kayo! Ambobo nyo!" Sigaw ni Charden.
"Bitches, bago kami nagpaexam sa maze, chinecheck namin, chineck namin lahat para walang mangyari, hindi naman kami susugod ng walang armas."
"Wag kang magreklamo sa ginawa ng P.E department! Wag kang hipokrita! Diba gusto mo din lumabas mga estudyante mo? May laboratory tayo pero gusto mo pumunta sa laboratory ng City para lang magdissect ng putang inang palaka? Ikaw idessect mo sarili mo dahil mukha kang palaka!" Sigaw ng babaeng kasama namin sa field, hindi ko siya gaanong kilala.
"Tigil!" Sigaw ko.
Ngunit hindi nila ako pinakinggan kaya padabog akong pumagitna sa dalawang nagduduruan, inilabas ang swiss knife na nakatago saaking bulsa at itinutok sakanilang lahat.
"Heto! Magpatayan kayo! Mga putang ina ninyo!" Sigaw ko.
"Kayo! Mga gaga kayo! Inggit lang kayo dahil hindi kayo nakasama sa paglabas namin sa campus mga bullshit!" Sigaw ko sa mga nagagalit sa pagpunta namin sa field.
"WALA. KAYONG. ALAM." madiin kong pagsigaw at inilalapit sakanila ang swiss knife ko.
"At kayo!" Turo ko sa mga kasama ko.
"Wag kayong feeling tama! Na ginawa nyo ang lahat dahil tangina natin! Kung hindi tayo nagkula edi sana walang gulo! Lahat tayo may kasalanan kaya tumigil kayong lahat dahil puputulin ko mga dila nyo! Ngayon! Mag si upo kayo mga gago!" nagagalit kong sigaw, tiyak kong namumula na ako.
Yan ang nakukuha ng mga taong madada.
Takot na nagsiupuan ang lahat, dahil sa ginawa ko ay nagkaroon ng katahimikan sa buong kwarto, bumalik na ako sa aking kinauupuan, eksaktong pumasok si Rica, na may malungkot na awra.
Nagtataka itong tumabi saakin.
"A-anyare ma? Bat super quite here?" Konyo nyang tanong saakin.
Nagbabanta ko itong tinignan, mataas pa rin ang adrenaline ko kaya hinihingal pa ako ng konti.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Tajemnica / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?