KABANATA 31

35 0 0
                                    

Miss nyo po ako? hehe I'm back!

HEYYY GUMAWA PO AKO NG YT CHANNEL, please do subscribe I assure you funny videos po and also motivating and inspiring ones, ang name po ng channel is S A Y M S

LINK:
https://www.youtube.com/channel/UCBCkzfDjj3gSIzeRJb6zklw

Kabanata 31: Isang Linggong Kasiyahan

Third Person's POV

Sinalubong ng nakakabinging tawanan ang umaga ni Brythe, kinusot-kusot nito ang kanyang mata at mabilis na umupo sakanyang kama.

Saka niya lang namalayan na nakatulog sya nang hindi man lamang naaayos ang mga gamit nya, nagbuntong hininga na lamang ito at mabilis na tinungo ang CR ng kanyang kwarto at naghanda para sa paglabas nya sa kanyang kwarto.

Ayaw nya din namang makita sya ng mga kasama nya na bagong gising, lalo na si Ria na alam nyang may sasabihin at sasabihin ito sa pagmumukha nya ngayong umaga.

Pagkatapos mag ayos ay bumaba na ito, na sya namang kinakuha ng atensyon ng lahat.

Lahat ng mata ay nasa kanya nakatitig, manghang mangha ang lahat kahit si Ria na alam natin ay nangangalaiti kay Brythe, agad binasag ni Brythe ang katahimikan.

"Anyare sainyo?" tanong nito, wala siyang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"ayy beh kain na." yaya ng isang babae na hindi nya masyadong kilala.

Ngumiti lang si Brythe at umupo sa tabi ni Rascel.

"ang ganda naman ng morning look mo." sabi agad nito kay Brythe habang kumakain ng tinapay.

Napakibit-balikat na lamang si Brythe dahil wala syang pakialam sa mukha nya, sakto naman sa pag- upo nya ay ang kamalayan na magkaharap sila ni Ria na nakataas ang kilay sa pagsalubong sakanya.

Tinaasan din ng kilay ni Brythe si Ria at binati ito ng magandang umaga.

Mabilis na lumipas ang mga araw, hindi nagkamali si Brythe na sumama sya sa pagsasamang ito, alam nya sa sarili nya na nag enjoy sya at nakapag relax bago muling sumabak sa pagtrabaho, she decided to made this thing a gift for her hardwork, matagal-tagal na din kasi simula nung huli nyang pag party, pag relax o di kaya pagtravel.

Ngunit, hindi din nakalimot si Rascel na paalalahanan sya sa tunay nilang pakay, na siyang alam nya na nakalilimot na sya.

Ganun pa man, maging si Rascel ay wala namang napapansin na kakaiba sa mga kasama nila, napaisip na rin si Brythe na wala sakanila ang galamay ni Siluna at maaaring iba ang ginagawa nito sa labas ng isla.

"Huwag kang papasiguro, tandaan mo tahimik nyang naipuslit ang nanay mo, nalaman mong nasa panganib ang nanay mo nasa huling mga segundo ka na." pagpapaalala ni Rascel kay Brythe, dalawang gabi bago ang kanilang pag-alis sa Isla Casariote.

Ang mga katagang iyon ay paulit-ulit na naririnig ni Brythe, tila kada minuto o oras ay maririnig nya ito na maghuhudyat ng mabilis na pagtibok ng puso nito.

Naalala nyang muli ang mga senaryong tinutupok ng apoy.

Naaalala nya ang init sa balat na tila isang malungkot na nostalgia para sakanya.

Naririnig nyang muli ang boses ng mas batang Brythe, ang sigaw nito at ang ingay sa paligid.

Sa bawat pagtibok ng kanyang puso, sabay sabay itong nagsisipasok sa buo nyang pagkatao, napapatulala sya ng saglit na hinahabol ang kanyang paghinga, hinahanap ang dulo para matapos ang kanyang dinadama.

At sa sinabing iyon ni Rascel dalawang gabi na ring hindi nakakatulog si Brythe, binabalikan nya ang mga araw at inaalala ang mga ginawa nila, nagbabakasakali itong makahanap ng ideya o clue sa pagkatao ng kaisa-isa nyang kaaway.

Lumipas ang mga araw at wala talaga syang mahanap na kasagutan sa misteryosong pagkatao ng kanyang hinahanap.

And with that.

She gave up.

Maging si Rascel ay nagulat sa pagsasawalang bahala ni Brythe sakanilang plano, ibang-iba sa Brythe na kilala natin sa kauna-unahang araw.

Ibang-iba.

Alam natin na kapag tungkol kay Siluna ay tila tigreng uhaw sa maririnig si Brythe, ngunit ngayon tila sya isang pusang kakatapos lang kumain at walang pakialam sa mga mangyayari.

BRYTHE'S POV

Ngayon na ang huling araw namin dito sa Isla Casariote, bukas na bukas din ay darating na ang yateng susundo saamin paalis sa Islang ito.

I failed to identify who is who.

Pero hindi ko pinagsisisihan ang pagsama ko dito, I must admit na nag enjoy ako ng sobra sobra sa mga pakulo ng mga señiors ko, like everyday hindi mo ako makikitang hindi nakatawa.It's helpful, dahil dun nakalimutan ko mga problema ko sa buhay.

Habang kumakain ng meryenda ay biglang nagsalita si Rex.

"Hey guys, thank you very much for coming, I really appreciate the time we spend together, sana meron pang susunod."

Ako din, I appreciate every second of my time with these people, a core memory indeed.

"Ako game ako kung meron pang susunod!" biglang sulpot ni Geoshua, na nakuha ang atensyon ko.

Nagsalubong ang mata namin nang tignan ko sya, mabilis pa sa liwanag na inalis ko sakanya ang aking mata at ibinaling kay Rascel na nasa harap ko lang.

"Ako din!"

"Count me in!"

At lahat na ay nag agree sa sinabi ni Rex, siguro ako lang ang hindi sumagot, ayaw ko naman mangako tapos hindi ko naman gagawin, I'm a busy person like duh.

Pagkatapos namin mag meryenda ay muli kaming pinasaglit ni Rex para sakanyang anunsyo.

"At 6pm pumunta kayo sa labas, wear anything you want may gagawin tayong lahat." ngumiti ito saamin.

Nagtataka man ay tumango na lamang ako, ganun din ang iba, umalis na ako at pumunta sa aking kwarto, naiwan naman ang iba para maglinis ng pinagkainan.

Lulong ako sa malalim na pag-iisip at di ko namalayan na naatrasan ko pala si Ria.

Wasap mga kababayan, nandito na naman tayo sa bagong episode ng sagutan ni Brythe at Ria

"What the fuck Brythe?! kailan pa naging uso ang paglakad patalikod?"

"sorry di ko sinasadya." I chose to say sorry dahil kasalanan ko din naman, mag sorry din sana sya kasi kasalanan nya din na hindi sya tumitingin sa dinadaanan nya, tanga sya.

"ayy wow, marunong ka na pala mag sorry ngayon? narealize mo na ba na mas magaling ako kaysa sayo? kung ganon, sorry not accepted." pagtataray nya.

Gusto ko mag warm up sa harap nya.

"Wala nang mas gagaling sa katangahan nyo queen." sagot ko.

Nilagpasan ko nalang sya ng lakad kaso papansin talaga tong si Ria at hinila ang buhok ko, feeling nya kasali sya sa tug of war.

Pero I waste no time umikot ako para mabitawan nya ang buhok ko, pagkaalis ng kamay nya sa buhok ko ay agad kong dinampot ang buhok nya at hinila to palabas ng bahay, wala akong pakialam kung naslide na sya sa tiles basta masaya akong mapalabas sya sa bahay ko.

Pagkalabas na pagkalabas ay pwinersa ko syang itinayo at tinulak sa pinong buhangin ng isla ko, at parang wala lang na pumasok muli sa bahay at tinahak ang daan papunta saaking kwarto, pumasok sa CR at nagshower.

Bakit ko poproblemahin ang isang gaya nyang toxic waste na dapat itinatapon ng maayos sa Wasteland?



I'LL DO MY BEST TO UPDATE SILUNA AS SOON AS POSSIBLE!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Siluna: Untold storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon