KABANATA 7: Pagduda
Sa mundong ito, kapag mahina ka aabusuhin ka, sasaktan ka nila at pilit nilang itatatak sa kukote mo na mahina ka, ang challenge sayo ay hahayaan mo nalang ba sila?
Hahayaan mo nalang ba na salakayin ng mga salita at pagpasakit nila ang buo mong pagkatao? Nabuhay ka pa kung oo ang sagot mo, hindi ka tao kapag hahayaan mo nalang ang sarili mong saktan at pahirapan nila, tumayo ka at patunayan mong mali sila, patunayan mong matapang ka, kaya ka nga patuloy na nabubuhay dahil matapang ka, sila ang pahirapan mo gamit ang pagpapatunay na mali ang pagkakilala nila sayo!
Kung hahayaan mo lang ang sarili mong matakot, at bumitaw nalang, walang mapupuntahan ang mga ginagawa mo sa buhay, kamatayan lang ang maghihintay sayo, sumuko ka nalang, kasi wala kang mapupuntahan kung takot ka lang. Life is full of unexpected things, tapos takot ka, pano mo malalampasan yun, kung puno ka ng pangamba?
That's the reality, masakit ang katotohanan, you have to be strong and smart, sayang ng buhay mo kung go with the flow ka lang, enjoy and wander the world, wag kang matakot.
Nung bata pa ako, tinuruan na ako ni papa na ipaglaban ang tama, he thought me my principles, dahil sakanya, mabilis akong makakita ng tama at mali sa sitwasyon, pinalaki nya akong matapang, pinalakas nya ang isang Brythe Saligomez, pero hindi ko man lamang sya nailigtas.
But tonight, I survived, nanatili akong malakas, nanatili akong buhay, nanindigan akong mabuhay,nanatili akong nakatayo sa taas, no one will bring me down, walang tao ang makakapagdigta kung kailan ako mamamatay.
Kahit ang silunang iyan.
"Nakuha namin itong ballpen na may patalim sa dulo, at teleponong ito, may nakausap po ang biktima sa teleponong ito, iniinbestigahan na namin."
"Siguro po iyon ang Selunang nagpadala ng sulat sainyo Mr. Vizuarez."
"Yeah, gusto kong ibigay to sainyo, icheck nyo kung may fingerprints na baka mag match dyan sa baril at ballpen."
"Sir, pakiusap po, gawin nyo ang lahat para pagbayarin ang gumawa nito sa anak ko."
Nang marinig ko ang boses ni mama ay pinilit ko ang sarili na buksan ang mga mata, pagkamulat, nakita ko ang ma pulis na nag uusap kasama si Mama at si ...
"Masusu---" pinutol ko ang sasabihin ng pulis.
"Hulihin nyo sya." matigas kong sabi at tinuro si Simon.
Nagulat ang lahat sa bigla kong pagsalita, biglang natahimik ang lahat at binigyan ako ng nagtatanong na mukha
"Ha? Brythe?" naguguluhang tanong ni Mama.
"Siya si Siluna! Siya ang may pakana nito! Tumigil ka na Simon! Wag mo nang hintayin na ako pa ang maglabas ng baho mo!" galit na galit kong sigaw sakanya, hindi inaalis ang matalim kong tingin dito.
"Brythe, what are you talking about?" nakakunot noong tanong sakin nito.
Kunware pang naguguluhan ito at nagpapalitan ng tingin kay mama
"You! ikaw ang may pakana nito saakin, ikaw si Siluna! MAMATAY TAO KA, KRIMINAL!"sigaw ko ulit
Nagbago ang emosyon nito, naging blanko at malamig na tinignan ako sa mata.
Hindi na ako mahyhypnotize ng mga mata mo, hinding hindi ako mahyhypnotize ng mga mata ng isang kriminal, wala na ang dating nararamdaman ko kapag tinititigan mo ako ng ganyan Simon, galit ang nararamdaman ko sayo ngayon.
"Pano mo nasabi? Do you have evidences? anong binasehan mo?" sunod sunod nyang tanong.
Unti unti akong nakaramdam ng pagtatakata.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Детектив / ТриллерKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?