KABANATA 25: Salamin
Brythe's POV
"Hindi kita matandaan" sagot ko sakanya.
Rascel? Wala talaga akong matandaan na naencounter ko sya sa buong buhay ko.
"Ako to si Rascel, kaklase mo ako nun sa Sinag." Pakilala nya.
Inalala ko lahat ng mga mukha ng kaklase ko and now, I realized na kamukha nya talaga ang isa sa mga kaklase ko, hindi ko sya close pero malapit siya sa hanay ko nakaupo.
"Yeah."
Binalot kami ng katahimikan, sumandal naman ako sa pader na malapit saakin.
"What happened to you?" Tanong ko.
Nawala ang emosyon ni Rascel at tumingin sa kawalan, tila inaalala ang nangyari kanina lamang.
"Tito ko siya."
"Ano?!" Napaayos pa ako ng tayo.
Tito nya pala? So why did he do this to her? Walang puso.
"Nagpasama siya sakin na bibili kami ng ulam, since hindi nakaluto si mama, and kakasweldo pa lang nya kanina, then bigla nya akong dinala dun, pinipilit nya akong makipagsex sakanya, sinaktan nya ako ng umayaw ako. Mabuti at dumating kayo, baka patay na ako ngayon, maraming salamat talaga." Pinunasan nya pa ang luha na lumandas sa kanyang mga mata.
"Magpahinga ka na dyan, at mamaya ihahatid ka na namin sainyo, I'll also make sure na ipapakulong ko ang may gawa niyan sayo."
Muli itong umiyak.
"Maraming salamat, Brythe. Maraming salamat."
Tumango nalang ako sakanya at umalis na ng kanyang kwarto to make her rest muna.
After some while, binalikan ko siya and niyayang kumain.
"Kamusta ka na?" Tanong ko, kasalukuyan kong kaharap sa mesa sina Rascel, Hanna, at Gerome, ang mga katulong naman ay busy sa pagserve saamin ng breakfast.
"M-maayos na." Ngumiti pa ito ng tipid.
"Salamat pala, sainyo, maraming salamat sainyo, siguro patay na ako kung hindi nyo ako binabaan ng kotse." Nakatuon nitong paghingi ng salamat.
"Isus! Ate kahit I'm really scared that time, hindi kita inayawan, jusko talaga ate kung alam mo lang ang mga pinagdaanan namin before ka namin makita! I thought I'm gonna die na."
"Stop it, Hanna. Seryoso tayo ngayon."
"Seryoso naman ako ha!"
Tinignan ko silang dalawa ng masama, making them squirm and nanahimik naman sila.
"Anong ganap sa buhay mo ngayon?" Tanong ko.
"Marami, puro malas..." malungkot nitong panimula.
Lahat kami ay naghihintay sa kanyang pagkwento, tumabi na rin saamin ang mga kasambahay at sinamahan kami sa pagkain.
"After College, where I graduated Cum Laude sa course kong BS Biology, I decided to start a business, nagtayo ako ng tindahan ng mga Laboratory Equipments, halos lahat ng laboratoty centers sa buong Maynila, saakin umoorder, and kumikita ako ng 120 Million every month, and lahat ng yun, nawala, we go back to zero."
"Hala?! Grabe? Why?" Reaksyon ni Hanna
"Jusmiyo Pwerdon, dapat sinigurado mo yan neng!" Dagdag ng isa sa mga kasambahay.
"Kaawa-awa namang bata."
" Na scam kami, dahil sa kapatid ko, and lahat ng pera namin winaldas nya sa pagsugal, now, wala na siya sa puder namin, lumayas sya. Kaya naghihirap kami ngayon, hirap na hirap akong maghanap ng trabaho, hindi ko alam kung bakit." Nanghihinayang nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?