KABANATA 13: Simbolo
Brythe's POV
sa pagpatuloy ng byahe, napagdesisyunan kong kalikutin ang aking cellphone, binalikan ang mga larawan nito sa pinakasimula na hindi nagpaiwas saakin para ngumiti at malungkot, hindi nito pinaiwas saakin damhin ang mga damdaming dala-dala ng puso ko habang nasa sitwasyon inilitrato, gusto kong balikan ang oras, gusto kong baguhin ang oras.
Ibinalik ng mga larawang ito ang mga damdaming sa sitwasyon ko ngayon ay nahihirapan akong ramdamin, siguro hindi ko na mararamdaman ulit ang bagay na iyon.
Marami saatin ang gustong bumalik sa nakaraan, marami tayong gustong balikan at baguhin, inuudyok tayo ng kasalukuyan na balikan ang nakaraan, mga oras na kung saan naghihintay tayo at nananalangin ng isang maganda at mapayapang bukas, na ngayo'y hindi inaasahan ang mga ganap, ito ba ang hiniling ko?
tumigil ang daliri ko sa pagswipe nang makita ko ang kauna-unahang picture namin ni Ria, ang larawang ito ay noon pang grade 8 kami, hindi ko napigilan ang sarili kong malungkot.
Hinding-hindi na babalik sa dati ang lahat, pati ang dating Ria na kaibigan ko.
mapait akong ngumiti at dinelete ang mga picture namin ni Ria saaking cellphone, hinding hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan namin, hinding-hindi, dahil kahit baliktarin man natin ang mundo, naging parte sya ng buhay ko, nagkaroon sya ng impluwensya sa kung sino ako ngayon.
Isinilid ko ang aking cellphone at tumingin ulit sa labas ng bintana at dinama ang rumarapasang hangin na nagpapalipad ng aking buhok, hindi ko maiwasan ang mabagot sa tagal ng byahe.
Umayos ako ng upo nang masagip muli ng aking isip ang mga narinig kanina sa banyo, hindi ko mawari na merong umaaligid saakin, at mga kaklase ko pa.
Ngayon palang ay napapaisip na ako kung anong mga mangyayari habang nandun kami sa field, dahil alam kong may binabalak na naman ang Silunang yan, hindi nya naman ako papabantayan para lang sa wala, hindi pa sya satisfied sa pagpatay kay mama, isusunod nya talaga ako.
Bitch, that is a wrong move.
Hinding hindi ako magpapakampante dahil alam kong may tauhan ka sa mga kaklase ko, humanda ka dahil once na makilala ko kung sino ang mga aso mo dito sa mga kaklase ko, makikilala na kita.
ako mismo ang pupunta sayo Siluna, ako mismo ang haharap sayo, napakaduwag mo.
"Hoy." gulat sakin ni Simon na tinulak pa ako.
"Ano ba?!" iritado kong sagot.
"bakit galit ka?!" pag gaya nya sa tono ko.
"tumigil ka nga, susuntukin na kita." banta ko.
sumasakit na ang ulo ko sa mga pinaggagawa nya, pinayagan ko na nga syang bumuntot sakin.
"wow! boxer ka na pala ngayon!" natatawa nyang sabi sakin, ngumisi akong patago
at walang pasabing sinuntok siya sa mukha nang mag aabala pa syang magsalita, sa sobrang lakas ng suntok ko ay muntik na syang matumba sa inuupuan nya, nagsitinginan naman ang mga kaklase namin.
nahuli ko naman si Ria na masama ang tingin saakin na nasa kahelera lang naman naming upuan na pareho kong katabi ang binatana.
"Nice punch, Saligomez!" sigaw ng kaklase kong athlete na nasa unahang upuan nila Ria.
biglang tumayo si Ria at nag aalalang lumapit kay Simon.
"Simon, ayos ka lang." tanong niya kay Simon na nag aayos ng panga, tumingin na lang ako sa malayo dahil nasisira ang mood ko pag nakikita ko si Ria, magsama sila ni Simon.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?