KABANATA 18: Panimula
Brythe's POV
It's no wonder love can make the world go round.
Ilang araw palang ang nakakalipas simula nang umalis ako sa kinagisnan kong burol, ang burol kung saan ako lumaki ng may paninindigan at matayog na pangarap, ang lugar kung saan ako pinalaking busog sa pagmamahal ng isang ina.
Napakanostalgic
Walang katao-tao sa lugar, hindi ko alam kung bakit, ngunit napapangiti na lamang ako habang minamasid ang daanan papunta sa bahay namin, nakikita ko ang sarili ko sa mga daanan.
Dati masayang masaya akong naglalakad papunta sa Sinag, hindi nawawala sa aking palad ang rason kung bakit ako kumakayod sa pag-aaral, mga ngiting hindi mapigilan ang paglapad at pilit inaabot ang aking sintido at halos makita na ang lahat ng aking ngipin, isang saya na hindi ko maramdaman muli.
Nakikita ko sa daan ang nakangiting ako, isang Brythe na naniniwala sa isang magandang bukas, isang Brythe na puno ng pag asa.
Para kay mama, mag aaral ako, aabutin ko ang pangarap ko.
Pag-asa nasaan ka? Sumama ka ba sa paglisan nya?
Muli akong naglakad hanggang sa maabot ko na ang paanan ng maliit na burol na kung saan ang maliit na kubong tinirhan ko ay nasa tuktok nito, pinagmasdan ko muna ito ng mabuti.
Naalala ko ang lahat, pero ngayon masasabi ko na hindi na magiging pareho ang lahat.
Mapait akong ngumiti at tumaas sa burol, hindi pa man tuluyang nakatapak ang paa ko sa tuktok nito ay nakita ko na ang isang sirang bahay, wasak na wasak na maaaring ihalintulad saaking buhay, pati ang lamesa't upuan sa labas ng aming bahay di napatawad ng apoy at tinupok din ito.
Tinitigan ko lang ito at hinayaang maglaro ang aking imahenasyon, biglang naayos ang tahanan, na para bang walang nangyaring sunog doon, nakita ko si mama na nakangiti, di kalayuan sa labas ng bahay namin may nakatayong isang babae malapit sa puno, nakamasid lang siya sa langit, makaraang segundo ay masaya itong pumasok sa loob at yinakap ang inang naglilinis ng bahay.
Mama...
Sa bawat umaga ang boses nya ang pinakauna kong naririnig, ang boses nya ang nagbibigay sakin ng enerhiya para sa isang buong araw na pakikibaka sa buhay, siya ang nagbibigay sigla sa araw-araw ko, siya ang aking sandata sa lahat ng laban ko, siya ang aking sandigan, siya ang kinakapitan ko. Siya ang ina ko.
Siya ang pag asa ko, siya ang aking inspirasyon, siya ang hangin na nagbibigay buhay sa kaluluwa ko pero ngayon, wala na siya, tuluyan nya nang nilisan ang mundo nang walang paalam, kaya naman araw araw din akong naghihintay sakanya, nagbabakasakali sakanyang pagbalik, at sasabihing binangungot lang ako.
Stop it, Brythe. THIS IS THE REALITY.
Sa iyong pagkawala ay siya ding paglaho ng pag asa at liwanag sa buo kong pagkatao, nilunod ko ang aking sarili sa dilim ng galit at lungkot. Patawad.
Umihip ang hangin at tinangay nito ang aking buhok, ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang sarap na dala ng hanging yumayakap saakin, napangiti na lamang ako ng malungkot, yinakap ang sarili, inalala ang init ng yakap ni mama.
Napakasarap sa pakiramdam, pero mananatili nalang sa nakaraan...
Brythe...
Idinilat ko ang aking mga mata nang marinig ang mga pamilyar na tawa, at nakita ko kaming tatlo nila Simon at Ria na nakaupo sa labas ng bahay, tumatawa...
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?