KABANATA 30: First-seen guy
Brythe's POV
nagtatakang sinalubong ko ang bagong dating.
I have the rights para salubungin sya ng nakakunot-noo dahil wala akong alam na may darating sa islang pagmamay-ari ko na hindi ko naman kakilala.
Nakangiti pang bumaba ang lalaki sa sakay nitong bangka, ni hindi man lamang ata nito napansin na nabasa ng alon ang pantalon nitong kulay gray at busy parin sa pagkuha ng maleta nya sa loob ng bangka.
Lalapitan ko na sana sya para magtanong nang biglang sumabat si Rex at tinawag ang lalaki.
"Geoshua!"
Nakangiting lumapit ang lalaki kay Rex habang ako ay nakatingin lamang sakanila.
"kamusta na?" tanong ni Rex.
"maayos naman, grabe nakakalula ang byahe." narinig kong sagot nito.
nag-usap pa sila pero napagdesisyunan kong umalis sa eksena sapagkat ang weird tignan na minamasdan ko sila habang nag-uusap.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang tawagin ako ni Rascel na naghihintay pala saakin sa labas.
"psst." tawag sakin ni Rascel.
Nairita ako sa pagtawag nya, I have a very beautiful name at unique pa tapos i-psst psst nya lang ako? nasan ang hustisya para sa pangalan ko? nawalan ata ng saysay ang pagpangalan sakin ni mama, nakakainis.
Maarte na kung maarte, naiinis lang ako.
bakit ang bilis ko mainis ngayon?
tinaasan ko lang ng kilay si Rascel.
"sino yun?" tanong nya.
" aba malay ko, Do I look like I care?" pagtataray ko.
bigla naman akong binigyan ni Rascel ng kanyang cringe look, naninibago ata sya sa biglaan kong pagpalit ng asal.
kahit din ako,nanibago.
"Anyare sayo?"
"wala."
"Oh ano? kamusta obserbasyon mo?" bigla nyang pagsingit sa pag-uusap namin tungkol sa plano, na nagpaiba ng ambience ng lugar.
pressured
"Rascel, can we just not talk about it muna?"
"Tandaan mo ang dahilan mo kaya ka pumunta dito."
"alam ko, patuloy akong nag oobserba."sagot ko, baka kasi isipin nya na naagaw ng ibang dahilan ang atensyon ko sa tunay na pakay.
tinignan nya ako na tila naghahanap ng assurance.
"ang sakin lang naman ay wag muna natin pag-usapan ng madalas, baka may makarinig saatin."
tumango ito bilang pagsang-ayon.
Naputol naman ang pag-uusap namin ni Rascel nang biglang magsalita si Rex habang kasama nito ang lalaki kanina na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.
Alam kong taga Sinag sya sapagkat hindi naman sya aayain ni Rex pumunta dito kung hindi naman sya kasali sa Reunion pero sa lahat ng kasama namin ngayon, siya lang ang hindi pamilyar ang mukha saakin.
"Hi Bry,nalate yung isa saatin hahaha, by the way, siya nga pala si Geoshua Krisologo, ahead sya sayo ng isang taon, architect na sya ngayon." pagpapakilala ni Rex sa lalaki.
sinulyapan ko muna si Rascel na nasa likod ko lang bago abutin ang kamay nung Geoshua na nasa ere at hinihintay ang pakikikamay ko.
I smiled at him not as wide as i smiled at everyone today.
BINABASA MO ANG
Siluna: Untold story
Mystery / ThrillerKapag ang puso ay binalot ng galit at lungkot, mahahanap pa ba kaya nito ang pag ibig?