Prologue

9.3K 117 0
                                    

Daisy's POV

"Shut up!" Naiinis na ako dahil masyado na siyang pakialamero sa buhay ko at gusto niya siya palagi ang sinusunod. Hindi ko ginusto ang magpakasal sa isang lalaki na kinaiinisan ko.

He is Gian Carlo Avellino, a successful businessman. Kasunod ang kumpanya niya sa DL Corp. De Luca is always on top, of course pero kamuntikan na bumagsak ang kumpanya ni Gian nang dahil sa akin at nalaman iyon ni daddy. Bilang kaparusahan ay pinakasal ako sa isang Avellino at walang magawa ni mommy para pigilan si daddy sa desisyon niya. Kahit si mommy ay takot kay daddy kapag nagalit na ito. Mabait na tao si daddy pero nakakatakot kung magalit. Kahit pasaway ang kambal kong kapatid lalo na si Riley ay takot rin sila kay daddy.

Back to Gian. He is also my childhood enemy. Dahil sa kanya kaya hindi maganda ang kabataan ko. He always bullied me. Kung tutuusin nga marami pang kasalanan sa akin si Gian.

"Bakit ba ako makikinig sa sinabi mo?!" Sigaw ko sa kanya. Makita nga lang ang pagmumukha niya ay naiinis na ako.

"Simple lang naman ang gusto kong gawin mo, Daisy. Ang sumama ka sa akin sa party mamayang gabi." Sabi niya.

"Pumunta ka doon na mag-isa at wala akong pakialam kung ikaw lang ang walang kasama!" Sigaw ko ulit at padabog na ako pumunta sa kwarto. Kahit kasal na kami ay hindi ako papayag na magkasama kami sa isang kwarto. Ano siya sinuswerte?

Nakita kong tumatawag sa akin si mommy. Kahit hindi ko tunay na mommy si mommy Sarah ay tinurin niya kong tunay na anak niya. Ganoon siya kabait pero minsan nag-aaway sila ni daddy. Naalala ko pa kung gaano kagalit si mommy kay daddy noon pero nauwi rin sa happy ending ang love story nila. Sana ganoon rin mangyari sa akin kaso malabo na kung si Gian ang asawa ko.

May nobyo ako bago pa ako nagpakasal kay Gian kaso kailangan ko makipag hiwalay sa kanya. He is Jet Imperial. Mabait siyang tao at kahit hindi ganoon kayaman ang pamilya niya ay wala akong pakialam. Malaki ang pinagkaiba niya kumpara kay Gian.

Sinagot ko na ang tawag ni mommy. "Daisy, kamusta ka na?"

"I'm living in hell with the son of Satan, mommy. Ayaw ko na dito."

"Hey, young lady. Don't say that. Naniniwala ako na magagawa mo ring mahalin si Gian."

"What? No way! Bakit ba kasi ganito ang parusa na binigay sa akin ni daddy? Hindi na ba niya ako mahal?"

"Mahal ka ng daddy mo. Kaya lang niya ginawa ito dahil hindi tama ang ginawa mo noon. Kamuntikan na bumagsak ang kumpanya ni Gian sa ginawa mong kalokohan, Daisy."

"He deserved that. Masama kasi ang ugali niya."

"I'm coming over."

"Right now?"

"Yes, right now. With Rin and Rocky."

I have four siblings. The twins; Riley and Rico, Rin and Rocky. Tapos may bagong parating pa dahil buntis ngayon si mommy sa ika-limang kapatid ko. Walang family planning kasi ang mga magulang ko. Kahit may edad na si daddy ay mukhang teenager pa rin. May lahi yata kaming bampira na hindi tumatanda.

I'm already 26 years old. Bale nasa 43 na si mommy at 58 naman si daddy. Ang kambal ay nasa 21, si Rin ay 16 at si Rocky ay 12. At least hindi sunod-sunod ang age gap namin magkakapatid.

Nakita ko ang pag-pasok ni Gian sa kwarto ko kaya tinalikuran ko na siya. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya.

"How about the twins, mommy?"

"Ayaw sumama ng kambal at sinabi ni Rico ay may gagawin pa daw siyang report." Pumasok kasi sa DL Corp si Rico pagkatapos niya sa pag-aaral. Si tito Red ang nagpapasok sa kanya sa kumpanya samantala si Mason ang bagong CEO ng DL Corp.

"Okay po. Ingat kayo." Binaba ko na yung tawag at nilagay ang phone sa side table.

"Pwede na ba tayo mag-usap, Daisy?"

"Wala na tayo pag-uusapan pa, Gian." Humiga na ako. Umiiwas na rin ako makipag usap sa kanya. Wala naman mapupuntahan ang usapan naming dalawa. "Kaya pwede ka ng umalis sa kwarto ko."

"Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa move on sa ginawa ko sayo dati? Matagal na nangyari iyon, Daisy at anim na taon na tayong kasal."

Exactly. Anim na taon na ako nag-titiis sa imperyenong buhay na ito.

May narinig na ako kumatok. Baka nandiyan na sila mommy at pinapasok sila ng maid. Bumangon na ako saka iniwanan si Gian. Bahala siya sa buhay niya.

"Papanget ka niyan, Daisy kapag palagi ka nakasimangot." Ani mommy.

"Mommy naman. Paano ba naman ako hindi sisimangot kung palagi may sumisira ng araw ko? Kapag nakikita ko nga ang pagmumukha niya ay nasisira na ang araw ko."

Tumawa si mommy. "Ganyan na ganyan ako noon sa daddy niyo. Pero ang pagkaiba lang nating dalawa ay mas bata ako sayo noong nagpakasal kami ni Rocco at bago ko pa siya nakilala ay nagkaroon na ako ng crush sa kanya. Wala nga akong ideya na may anak pala siya."

"Ganoon po ba?"

"Ate." Tumingin ako kay Rin. "Nasaan po yung remote? Manonood kami ni Rocky ng paborito naming tv show."

Kinuha ko ang remote kung saan nakalagay at inabot kay Rin. "Here."

Si Rocky ang kumuha ng remote. "Thank you, ate."

I love my siblings kahit pinagkaka isahan ako ng kambal.

"Hello po, tita." Rinig ko ang boses ni Gian. Akala mo pa naman sobrang bait na niya. Psh. Kahit lalaki ay ugaling plastic rin.

"Hello, Gian. Musta ka na?" Tanong ni mommy sa hayop kong asawa.

"I'm fine po. Busy lang ako sa kumpanya this past few days."

"Huwag mo sana papabayaan ang sarili mo, hijo."

"Don't worry po. Sorry but I have to go. Baka kasi mahuli pa ako sa party na pupuntahan ko." Paalam niya kay mommy.

"Mag-iingat ka, Gian." Binaling ni mommy ang tingin sa akin pagkaalis ni Gian. "Hindi ba dapat kasama ka niya sa party na pupunta niya ngayon?"

"Bahala siya sa buhay niya, mommy. Ayaw ko makasama ang lalaking iyon."

"Kahit anong mangyari ay ikaw pa rin ang asawa ni Gian, Daisy. Sumunod ka na sa kanya at kami ay uuwi na rin." Tumingin si mommy sa mga kapatid ko. "Rin, Rocky, uuwi na tayo. Baka umuwi na rin ang daddy niyo."

Alam kong delikado ang trabaho ni daddy dahil muntik na siya mamatay sa trabaho niya. Last time nga ay narinig kong ang pag-aaway nila ni uncle Jace. Gusto kasi ni uncle Jace hanapin ang pumatay sa biological parents nila kaso hindi pumayag si daddy sa kagustuhan ni uncle Jace.

My Possessive HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon