Liya's POV
Sinamaan ko ng tingin si Emman na ngayon ay kasalukuyang nakatayo sa harapan ko.
Wala ang mga kaklase namin dahil recess na, naiwan naman ako dahil may diniscuss pa si Sir Justin sa amin.
"Problema mo?" Tinaasan ko sya ng isang kilay. Matalim naman ang tingin nya sakin at syempre, ganun din ako sa kanya.
"May meeting sa friday sa gym, wala tayong schedule no'n pero pumasok ka pa rin. Tayong dalawa lang, bawal ang substitute"
"Tsk bakit mo naman naisip na hahanap ako ng substitute para sa sarili ko? Duh, mas magaling pa akong mamuno sayo eh"
"Okay fine, tandaan mo yang sinabi mo ha" tinalikuran nya ako pero bago pa sya tuluyang makalayo, may humarang na babae sa pintuan dahilan para di sya makalabas.
"Ikaw ba si Ammanuel Daivik?" Tanong nito kay Emman. Nagmamadali akong tumayo dala ang aking gamit saka nakichismis sa kaganapan.
"Hmm" tanging sagot ni Emman sa magandang babae na kaharap. Pinagmasdan ko si Emman, nakatingin lang ito sa babae'ng maganda.
Tsk sabi na bakla to eh, ni hindi man lang kumukurap, wala rin sa itsura nya ang naaakit dun sa babae.
"You are the class mayor, right? Pakisabi sa mga kaklase mo na mag-ready sila para sa exam tomorrow na gaganapin sa gymnasium exclusively for STEM"
"Eh eh, tungkol saan yung exam and anong meron dun?" Pakikiosyoso ko. Tiningnan lang ako ng babaeng maganda at tinalikuran. Aba! Bastos yun ah. Narinig ko pa ang matunog na pagngisi ni Emman. Tsk bwiset.
Habang nagkaklase, hindi mawala sa isip ko yung exam na binanggit nung babae. Bakit may exam pa para sa mga stem? Hindi ba nag-take na kami nun bago pa pumasok? Bakit may exam na naman?
Napatingin ako sa orasan.... 3....2.....1....
Time's up!
Sabay-sabay kaming nagtinginan magkaklase pero ang teacher namin sa biology ay hindi pa rin lumalabas. Aba! Sobra na sya ng 1minute.
"Excuse me sir! Time na po" halos pabulong na sabi ni Althea pero hindi sya pinakinggan ni Sir.
Tsk bilang vice mayor, hindi ko hahayaang magutom ang mga kaklase ko bago sumabak sa pamatay na General mathematics.
Tiningnan ko si Emman at busy ito sa pagsusulat, wala man lang ata syang balak na sitahin si Sir Aga. Pwes ako, gagawin ko ang tungkulin ko.
"Wooaahhh alas tres na pala? Parang sobrang bilis naman ng orasan natin!" Malakas na sigaw ko sa classroom, kitang-kita kong nabuhayan ang mga kaklase ko.
"Oo nga nuh, 3 o'clock na" dagdag naman ni Althea.
"Tss" bulong nung sawa sa tabi ko.
Hindi pa rin nagpapatinag si Sir Aga, aba inuubos ang pasensya ko. "OMG time na pala! Grabe sayang naman gusto ko pa sana mag-aral kaso ubos na pala ang oras" halos isigaw ko na kay Sir pero wala pa rin talaga syang pakialam.
Tumayo ako with matching paghampas pa sa desk, dahilan para makuha ang atensyon ng lahat lalo na ni Emman at ni Sir Aga.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...