Ara's POV
Papasok na ako ng gym nang makita si Emman at Liya na magkasama. Hindi nila ako napansin at para bang isang hangin lang ako sa kanila.
Ilang sandali pa ay si Zhiandria naman ang nakasalubong ko. Nagmamadali ito at mukhang sinusundan sina Liya.
Bago pa sya tuluyang makalayo, hinila ko ang braso nya.
Ilang segundo rin kami'ng nagpataasan ng kilay bago sya sumuko.
"Ano'ng kaylangan mo?"
Inirapan ko sya bago sumagot. Hindi pwedeng sya lang ang maldita. "Pwede bang tigilan mo na ang kakahabol kay Emman?"
Tumaas ang isang kilay nya, "Look who's talking. As if naman na hindi mo yun ginagawa"
Ngumisi ako. "Hindi naman talaga, di mo ko kagaya" binasa ko ang ibabang labi ko bago pa muling magsalita, "Hindi mo ba nakikita? Hindi tayo gusto ni Emman"
Nag-iwas ng tingin si Zhia pero maya-maya lang ay bumalik na naman sa pagiging maldita nya.
"Kung hindi ako gusto ni Emman, I will work for it. Hindi mo ko kagaya, basta-basta sumusuko---"
"Bobo" inis kong sambit. Wala ba sya'ng utak? O hindi lang talaga sya nag-iisip?
"Ano'ng sinabi mo?" Galit na galit agad ang mukha nya.
"Bobo" huminga ako'ng malalim, "Ang sabi ko, bobo ka"
Kitang-kita ang inis sa mukha nya dahilan para matuwa ako. "Napaka-bobo mo. Di mo ba naisip, nauna ka sa buhay ni Emman pero sino'ng pinili nya? Si Liya. Nauna ka lang pero si Liya ang lagi nya'ng kasama. Isa pa, kung ako man ang lalaki hinding-hindi ako magkakagusto sa gaya mo"
Hindi ko na sya hinintay pang magsalita. Naglakad ako papasok sa gym, kaylangan ko pang malaman kung ano'ng standing ng STEM sa bawat sports.
Nayah's POV
Pinag-krus ko ang mga braso ko saka sinamaan ng tingin si Mister Attorney.
Nasa labas kami ng eskwelahan dahil may gusto raw sya'ng sabihin sa'kin. Sobrang init dito at pakiramdam ko, kahit ano'ng oras mahihimatay ako.
"Ano ba kasing sasabihin mo?"
Kahit na ilang taon ang pagitan namin, hindi ko sya nakikita bilang isang matanda. Ayoko sya'ng igalang hindi dahil wala ako'ng manners, sadyang hindi nya lang na-meet yung expectations ko para igalang sya.
"Bakit ganyan mo ko kausapin?" Seryosong aniya. "Isa ako'ng Abogado. Attorney Renzo Daivik" pinakita nya pa ang ID nya.
"So?"
"Pag si Emman nirerespeto mo, pag ako hindi?"
Naiinggit ba sya? Wow ha
"Edi sorry po, Kuya Mister Attorney. Pasensya na po, nakalimutan ko po kasi pong mas matanda nga po pala po kayo po sa'kin po"
Nawalan ng emosyon ang mukha nya. Kitang-kita ko rin ang pagkuyom ng mga kamao nya.
Naiinis na ba sya sa'kin?
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan nya bago muling magsalita.
"Magpapaalam lang naman ako" nag-iwas sya ng tingin. "Salamat sa tulong mo"
Kinunotan ko sya ng noo. Tulong? Saan ako tumulong? May naitulong ba 'ko?
"Bakit sa'kin lang? Bat di mo sinabi yan sa mga kaibigan ko?"
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...