Chapter 17

8 8 0
                                    

Ara's POV

Maaga ako'ng pumasok at dumiretso sa rooftop, gusto daw ako'ng makausap ni Emman. Sa ano'ng dahilan, hindi ko alam.

"Ara!" hindi ko alam ang mararamdaman nang makita ang mukha ni Liya kasama si Emman.

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Nalaman ko'ng umamin ka daw kay Emman na gusto mo sya"

 
 
Emman's POV

Agad kong diniinan ang pagkakahawak ko sa braso ni Liya. Hindi ko alam bakit ba ko nagtiwala sa isang 'to.

"Wag kang magulo" inis nya ring bulong sa'kin saka muling ngumiti sa babae'ng taga section 1.

"Gusto ko lang sabihin na malabong magustuhan ka ni Emman" kumunot ang noo ng babae at sinamaan ng tingin si Liya, "dahil ang gusto nya..." Tiningnan ko si Liya na taas-noong nakangiti sa babae, "...ay ako" wika nya pa saka ngumiti nang mas malapad.

"Ano?!" Inis na sabi ng babae.

"Liya---"

"Sumakay ka na lang unless gusto mong guluhin ka nya" bulong pa ni Liya sakin.

"Tama, ako ang gusto ni Emman. Hindi ko pa sya sinasagot pero trust me, in love na in love sa'kin si Emman. Hindi ko nga alam kung bakit nya ko gusto eh pero okay lang yan, marami pa naman ako'ng kaibigan lalaki" ngumiti nang wagas si liya, "Gusto mo si Canon? Ay wag, kay Thea yon. Si Eleanor, gwapo yun! Si Andrei? Andrean? Kaso baka malito ka sa kanila. Si Miguel gusto mo? Malinis pagkatao nun o kaya si Winter, gangster naman yon. O kaya mag move on ka na lang kay Emman kasi di ka nya magugustuhan"

Hindi na nakapag-salita ang babae, hinila ko na si Liya pababa dahil baka kung ano pang masabi nya.

"Ano namang pinagsasabi mo dun sa babae?" pagkompronta ko sa kanya.

"Pinagiisipan ko nga kung sasabihin ko sa kanyang gusto mo ko o bakla ka eh, buti nga mabait ako. Saka isa pa..." hinarap ako ni Liya dahilan para mapaatras ako, hindi ko gusto ang paraan ng pagtingin nya. "...aminin mo, crush mo naman talaga ko diba?"

Nakailang lunok ako bago sya muling magsalita. "Bye na nga wala kang kwentang kausap, kakausapin ko pa boyfriend ko" wika nya pa saka binunot ang cellphone mula sa bulsa nya at pumasok sa classroom.

Ilang minuto pa ang lumipas bago mag sink in sakin ang sinabi nya.

Boyfriend?

Nagmamadali ako'ng pumasok sa room at hinanap ng mata ko si Liya.

 
 

Althea's POV

Kasalukuyan ako'ng nagddrawing sa desk nang pumasok si Emman, parang may hinahanap. Lumapit ito kay Liya at lahat kami, nasa kanilang dalawa ang paningin.

Kinuha ni Emman ang cellphone ni Liya, pilit namang inaabot ni Liya ang phone pero dahil matangkad nang di hamak si Emman ay hindi nya makuha.

"Ano bang--"

"Ano 'to?" tanong ni Emman habang nakatingin sa screen ng cellphoneni Liya.

"N-nagbabasa kasi ako" pangangatwiran ni Liya.

"All this time, ito yung pinagkakaabalahan mo?" inis pang tanong ni Emman, tango lang ang isinagot ni Liya.

Nawalan yata ng lakas si Emman, ibinalik nya na lang ang cellphone ni Liya.

"Edi wala kang boyfriend?" muli pang tanong nito.

Umiling si Liya, "si Juanito Alfonso lang" sagot ni Liya dahilan para matawa ako.

A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now