Althea's POV
Lahat kami'ng magkakaibigan ay nasa eskwelahan na, maliban kay Emman na kanina pa namin tinitext pero hindi nagrereply. Ano kayang nangyari don?
"Liya, alam mo ba ikaw pinakamaganda sa lahat?" pang-uuto ni Andrei.
Nginitian lang sya ni Liya na kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan nya.
May opening pa kasing program para siguro medyo humaba at umabot ng gabi dahil alas-singko lang ay nag-umpisa na.
Naka-ayos ang mga upuan sa gilid habang may malaking space sa gitna. Sa mesa namin na ito ay kaming magkakaibigan ang magkakasama. Kumpleto kami kaya lang ay late si Emman. Ngayon lang yata sya na-late?
"Grasya samahan mo ko, cr tayo" pilit na inaaya ni Liya si Grasya pero ayaw nitong tumayo dahil nahihiya sya sa suot nya. Hindi rin kasi gaanong kumportable si Grasya sa mga ganitong damit pero bagay naman sa kanya at ang ganda-ganda nya.
"Tara na samahan na kita" tumayo si Nayah dahilan para mapagmasdan kong muli ang kabuoan nya. Nakaka-tomboy si Nayah sa totoo lang.
Sinulyapan ko si Winter na ka-terno ng suot ni Nayah ang kulay ng suit nya. I wonder bakit kapareho ng mga damit namin ang sa boys? Magtataka ako kung may touch din ng peach ang suot na damit ni Emman dahil for sure, may nagplano nito.
Naglakad na sila papuntang comfort room habang naiwan naman kami dito.
Liya's POV"Asan na kaya si Emman?" lumabas ako sa cubicle at saka nanalamin gaya ng ginagawa ni Nayah.
"Hindi ko rin alam pero malamang, papunta na 'yon" sagot nya sakin habang inaayos ang pilik-mata nya.
Ngumuso na lang ako. Sa lahat kasi, si Emman na lang ang wala. Nakakalungkot dahil ngayon pa sya na-late kung kelan pwede na kaming mag-enjoy.
Siguro kung group study to, hindi sya male-late?
Nasa kalagitnaan na kami ng gym kung saan ginanap ang acquaintance nang biglaang magsitayuan ang ilang kababaihan at magsitingin sa gawi namin ni Nayah. For sure, hindi sila sa'kin nakatingin kundi kay Nayah. Ang ganda naman kasi.
Pero napahinto kami nang narinig ang bulungan nila.
"Grabe ang gwapo" si Nayah gwapo?
Hinawakan ni Nayah ang braso ko kaya tiningnan ko sya. Iginuso nya sa'kin ang daan sa likuran ko kung saan kasalukuyang naglalakad ang taong pinagtitinginan ng lahat.
Si Emman...
Suot nito ang suit nya na naabutan naming sinusukat nya nung sabado. Medyo nakayuko sya dahil napansin nya ring sya ang pinagtitinginan. Dumating ka ba namang late eh.
"Friend mahal ko na yata sya" dinig ko pang bulong ng babae'ng malapit sa'min.
"Naku, hindi kamahal-mahal ugali nyan" singit ko sa usapan nila saka muling tiningnan si Emman.
Nakatingin na ito sakin at matalim ang titig nya. Maglalakad na sana ako nang huminto sya sa harap ko. Pakiramdam ko ay saglit na tumahimik ang paligid at lahat ng tao, sa'min nakatingin.
"Bakit ganyan suot mo?"
Hindi na ako nakasagot dahil sa mabilis na kilos ni Emman. Sobrang bilis nya'ng nahubad ang coat nya na para bang nag-slow motion pa sa ere. Pagkahiwalay ng sleeves nito sa braso nya ay diretso itong lumapag sa likod ko. Ipinatong nya ang coat nya sakin.
Sabi na eh, kung may dala lang syang kumot, baka binalutan nya na ako. Hays Emman talaga.
Naririnig ko na naman ang bulungan ng mga nakapaligid. Pero wala akong pake. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay inis. Inis kay Emman nakasalukuyan nang naglalakad papunta sa mesa namin.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...