Chapter 29

7 8 0
                                    

Nayah's POV

Maaga ako'ng pumasok para itanong kay Emman ang lagay ni Liya. Hinanap ko agad ang bago naming schedule, and luckily sa second floor lang kami ngayon.

Pumasok ako sa room at wala pang kahit isang ang nandito. Akala ko naman ay maagang papasok si Emman lalo na't hindi pa sya nakakapag-enroll.

Naglibot muna ako at dumiretso sa canteen. Malayo pa lang ay dinig ko na ang boses ng mga taga-section 1.

Matalim rin ang tingin nila sa'kin matapos kong maglakad papalapit sa lamesa na katabi ng inuupuan nila.

Binuksan ko ang messenger ko para magbasa ng balita o ng kahit ano'ng updates sa mga kaibigan ko sa group chat namin pero puro kalokohan lang nila Andrei ang nabasa ko.

 
<Surprise Kay Emman>

'Yan ang pangalan ng gc namin. Nabuo kasi ito nung nagpaplano kaming magkakaibigan ng surprise para kay Emman. Natapos na't lahat ang surpresa pero hanggang ngayon ay hindi nila binabago ang group name.

Kami-kami lang ang nasa gc na ito, may bukod namang gc ang section namin at may isa pa kung saan kasama ang mga teachers.

Nagpunta ako sa nicknames ng bawat isa dahil hindi ko malaman kung sino-sino ang mga nagchachat dahil sa mga kakaibang nicknames na nilagay nila.

<Surprise Kay Emman>

Nicknames
Althea Castro- Drawerist
Ammanuel Daivik- Emmanloloko
April Grace Segarra- disGrasya
Canon Xi- Songerist
Eleanor Jie- Drumsticks
James Miguel Aguirre- Baygon
John Andrean Marquez- Babaero
John Andrei Marquez- Bolero
Malaia Venancio- Mabagal
Nayah Grace Marjani- Studybug
Winter Christianne Benitez- G4ng$t4h

Ano'ng meron sa Baygon at bakit iyon ang nickname ni Miguel? Diba pampatay yon ng lamok?

Magbabackread na sana ako nang marinig ang usapan ng mga taga-section 1.

"Guys, fresh news from Mayor. May bagong dating daw na estudyante from Manila and guess what? She's on STEM!"

Umupo ang babae'ng nagbalita kasama ang isa pang babae na taga-section 1 din.

"Yes, and Ara said na maldita raw ang babae'ng yon dahil naencounter na nya. And the worse thing, kapitbahay nya pa!"

Hindi ba sila nahihiya na pinagchichismisan nila ang isang tao na hindi naman nila kilala talaga?

"Ow gosh, sana hindi natin kaklase"

"I don't think so. Matalino raw ang babae kaya malamang sa section natin mapunta"

Pag matalino, section 1 agad? Tsk

"Yeah but, I don't want her in our class. Try to think of it, maldita na si Ara tapos mas maldita pa sa kanya? No i can't handle that anymore"

Tingnan mo nga naman, pinupuri nila sa harapan si Ara pero pag talikod, sinisiraan din naman.

"Sana sa section 4 na lang, tutal mga mahihinang klase naman ang mga tao don"

Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Hindi yata kayang i-digest ng utak ko ang sinabi nila.

Hinampas ko ang mesa dahilan para makuha ang atendyon nila.

"Look at that. She's from section 4. Obviously, wala silang manners"

Nginisian ko ito saka nilapitan sa mesa nila. Wala akong pake kung mas marami sila, tuturuan ko lang naman sila ng tinatawag nilang manners.

Itinukod ko ang kanang kamay ko sa mesa saka sila isa-isang tiningnan.

"I am Nayah from section 4. I ranked as the 10th STEM student from the last evaluation exam. But yeah, I'm from section 4"

A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now