Liya's POV
Maaga ako'ng nagising nang marinig ang boses ni tita Amanda sa kabilang bahay. Omo, nakauwi na sya!
Naghilamos ako at kaagad na bumaba para mabati si tita. Nawala na sa isip ko na naka-pantulog pa pala ako. Late ko na narealize nang pagtawanan ako ni Emman. Tss.
"Hi Tita good morning!"
Halos hanggang tenga ang ngiti ni tita nang makita ako. Hinalikan ako nito sa noo kagaya ng palagi nya'ng ginagawa sa'kin.
"Ipagluluto ko muna kayo" nang tumalikod si tita ay kaagad na lumapit sa'kin si Emman at pinunasan ang noo ko na sya'ng hinalikan ni tita.
"Ako lang dapat" wika nya pa saka ako hinalikan rin sa noo.
"Aga-aga eh" inirapan ko sya saka ako dumiretso sa sofa nila at naupo.
"Alam na ba ni tita?" Ngiti lang ang sinagot ni Emman sa'kin.
Bakit pag si Nayah ang nginingitian nya, nagkakaintindihan sila? Bakit pag ako, wala ako'ng naiintindihang kahit ano?
"Oo alam na" sagot nya nang mahalatang hindi ko sya na-gets.
"Seryoso?"
"Ang alin ba? Na-rank 1 ako?"
Inirapan ko sya. Apakayabang talaga kahit kelan. Tss
"Ewan ko sa'yo. Wala namang may pake kahit palitan mo pa yung principal"
Pinagtawanan nya lang ako dahil napikon ako. Nakakainis naman kasi ang ugali nya. Alam nya namang ang tinutukoy ko ay kung ano'ng meron sa'min tapos ay ipagyayabang nya pa ang rank nya.
"Di, pero oo alam na ni Mama" sumeryoso ang mukha nya. "Nung nakaraan pa"
Nanlalaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Seryoso ba sya? Ako nga walang pinagsasabihan kahit na sino tapos sya, nasabi nya na?
"Hala ako hindi ko pa nasasabi kay mama"
"Hindi naman ako yung nagsabi," tiningnan ko sya at nakangiwi lang sya.
"Eh sino?"
"Si Kendrick. Nakita nya nung hinalikan mo ko sa pisngi"
Nakita ni kuya Kendrick yon? HALA NAKAKAHIYA!!
"Kasalanan mo, Liya" dagdag nya pa.
Sa sobra-sobrang kahihiyan ko, at dagdag pa ang pang-aasar ni Emman, pinagkukurot ko sya.
Pinagtatawanan nya lang naman ako at mas nakakapikon yun.
"Ang aga-aga namang lambing nyan Liya"
Hinarap ko si tita nang may malaking ngiwi sa mukha ko. LAMBING? Saan banda naging lambing yun?
"Hehe Tita--"
"Don't worry, di naman ako against sa inyo" ngumiti pa si Tita ng nakakaloko. Manang-mana talaga sa kanya si Emman. Tsk. "Kumain muna kayo, mamaya nyo na ipagpatuloy yan"
Dinampot ko ang pagkain sa harapan namin at nagmamadaling kumain. Hindi ko kayang tagalan si Emman idagdag pa si tita na kung makatingin, mahihiya ka na lang talaga ng kusa.
Bumalik rin kaagad ako sa bahay para maglinis. Nakakahiya naman kasi, baka pumunta si Tita tapos makita nya na ang kalat-kalat kong tao.
"Wow, marunong ka pala magwalis" hindi ko pinakinggan si Emman at nagpatuloy lang ako sa pagwawalis.
"Tulungan na kita" kukunin nya na ang walis sa kamay ko pero nilayo ko ito.
"Bahay ko to, ako maglilinis dito"
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...