Chapter 40 - FINAL CHAPTER

4 3 0
                                    

Liya's POV

Bumalik ang paningin ko kay Nayah na nakangiti ngayon sa'kin. Maraming tao ang nakatingin sa'kin, maliban kay Emman.

Huminga ako ng malalim bago idiretso ang message ko, "I wish you all the best, Nayah. Meron ka na ng lahat eh, ganda, talino pati magandang ugali. Ang mahihiling ko na lang is ipagpatuloy mo ang lahat ng sinimulan mo. Sana rin habaan mo pa ang pasensya sa mga kaibigan natin. Wag mo sila papabayaan, tulungan mo sila sa mga lessons. Mahal ka namin Nayah, Happy birthday"





Matapos ko'ng magbigay ng mensahe, naupo na ako sa tabi nila Althea. Pinanuod ko naman ang pagsayaw ng mga boys namin kay Nayah para sa 18 roses.


"Grabe ang ganda ni Nayah noh?" Nakapangalumbaba pang wika ni Grasya na halatang amaze na amaze kay Nayah.


Matapos ni Eleanor, si Emman naman ang sumunod. Isinayaw nya si Nayah.


Kahit na kaibigan ko si Nayah, makita pa lang na ibang kamay ang hawak ni Emman, nasasaktan na ako. Hindi ko kayang iwan si Emman lalo na't alam ko'ng maraming babae ang mas better sa'kin.


Pwedeng-pwede nya ako'ng ipagpalit.


Tinanaw ko ulit si Emman na nakikipag-ussp kay Nayah. Malungkot ang mga mata ni Emman at hindi ko alam ang dahilan. Kanina pa sya tahimik, ni hindi rin ako kinakausap pag dating namin dito.


Pagtapos isayaw ni Emman si Nayah, dire-diretso sya'ng bumaba sa stage. Seryoso ang mukha nya, para bang may bubugbugin sya.


Huminto sya sa harapan ko. "Mag-usap tayo" seryoso'ng utos nya.


Nakatingala lang ako sa kanya. Tinanaw ko si Nayah at nakatingin rin ito sa'min. Tinanguan ako ni Nayah kahit na hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin no'n.


"Pakiusap Liya, mag-usap tayo" nakapikit si Emman habang sinasambit ang mga salitang 'yon.


Tumayo ako at sumunod sa kanya na maglakad palabas. Hindi ko alam kung ano'ng meron at bakit nya ako gustong kausapin.


Galit ba sya sa'kin? Kanina lang okay naman kami ah.



Tahimik sa labas at tanging ang emcee lamang sa loob at ang tugtog ang naririnig namin dito. Wala ring ibang tao, tanging kaming dalawa lang ni Emman.


Magkaharap kami ngayon at aaminin ko, kinakabahan ako. Nanginginig ang mga tuhod ko hindi dahil sa lamig kundi dahil sa nerbiyos. Nakakatakot ang mga titig ni Emman, hindi ko matagalan.


"Emman"


Pumikit sya at huminga ng malalim. Sinenyasan rin nya ako'ng manahimik. Nakakatakot na talaga sya.


"Kelan ka aalis?"


Nanlaki ang mata ko sa tanong nya. Alam nya? Pero kelan pa?


"Sabihin mo Liya, kelan ka aalis?"


Ilang lunok ang ginawa ko bago sumagot.


"B-bukas"


Pumikit sya, hindi ko alam kung dahil sa galit at inis o kung ano pa man. Sinabunutan rin nya ang sarili nya.


"Damn, Liya!"


"Sorry"


"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Kaylangan ko pang malaman kay Tita. Shit, Liya naman!"


Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha ko, unti-unti ring lumalabo ang paningin ko. Hindi ko na pinigil pa o pinunasan, hindi ko rin naman kayang itago kung gaano kasakit.

A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now