Emman's POV
"Guys, makinig kayo saglit" nakatayo ako sa harap ng mga kaklase ko.
Nagsitinginan naman sila pero patuloy pa rin sa ginagawa nila. Si Liya, palibhasa naka-pe uniform kami ngayon, nakataas ang paa sa desk habang nakikipagdaldalan kila Grasya.
Lumapit ako kay Liya saka pinalo ang mga binti nitong nakapatong sa desk "Kababae mo'ng tao" inis kong sambit dahil sya yung pinaka-masakit sa mata.
Tiningnan lang ako ni Liya tapos ay bumalik sa pakikipagdaldalan. Tsk kung alam nya lang.
"Bagsak kayong lahat sa lahat ng subjects"
Lahat sila ay nagsitinginan sakin, natahimik at mukhang nakuha ko na ang atensyon nila. Inis na tumayo si Liya sa harapan ko.
"Mamayang uwian, maiwan lahat ng officers. May pag-uusapan tayo" umalis ako sa harapan ni Liya at umupo sa upuan ko.
"Kasali ako?"
"Nag-iisip ka ba?" inis kong tanong sa kanya.
Sinamaan ako ng tingin ni Andrei ganun na din ni Eleanor. Ano bang problema ng dalawang to sa'kin?
"Daivik"
Huminto ako sa paglalakad at hinintay makalapit sa'kin ang isang taga-section 1.
"Hi, Ammnuel. Itatanong ko lang kung ayaw mo ba talagang maging assistant ko?"
Ilang araw nya na ako'ng kinukulit. Twing umaga, pinupuntahan nya pa ako sa room para lang tanungin.
"Ayoko" tipid kong tugon at saka umalis na.
Ara's POV
Hinawakan ko ang puso ko matapos makaalis si Daivik sa harapan ko. Wala na ako'ng choice kung hindi pumili ng ibang assistant. Pero, kaylangan magkaroon ako ng dahilan para makausap ulit si Daivik.
Hindi ko alam pero sa tingin ko, gusto ko na sya. Sobrang lakas ng tama ko sa kanya, sa twing nakikita ko sya, bumibilis ang tibok ng puso ko. Nanghihina rin ang mga tuhod ko at para bang may kung ano sa tyan ko ang nagtatalo-talo.
"Mayor!" lumapit sa'kin si Pamela.
"Hmm?"
"Balita ko, birthday na daw ni Daivik sa biyernes. Yun yung sabi ng kaklase niya sa'kin"
Napangiti ako. Mabuti naman kung gano'n, may dahilan na ako para makipagkita sa kanya.
"Pam, samahan mo ko sa mall"
Liya's POV
Nasa classroom kami kahit oras na ng uwian. Kumakain ako ng paborito ni Grasya, habang nagdala ng milktea si Nayah. Mayaman kasi, treat nya na daw kami.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...