Liya's POV
Naglalakad ako ngayon papasok sa Denverland, nasa likuran ko si Emman na kanina pa hindi nagsasalita. Gustong-gusto ko na sya kausapin ulit pero mukhang hindi naman sya tutugon kaya wag na lang. Kung iniisip nya yung kanina, wala naman na sa'kin yon. Nabigla lang talaga ako nung makita ko yung mukha nya na galit sa'kin dahil hindi naman ganun yung reaksyon nya twing maiinis sya sakin.
Nasa tapat na kami ng bahay namin pero hindi pa rin ito nagsasalita. Pareho kami'ng nakatayo sa harap ng mga pintuan namin at naghihintay na may mag paalam pero para kaming siraulo na nagpapakiramdaman lang.
"Liya yung kanina--"
"Wala na yun sakin Emman, wag mo nang isipin yun" kinagat nya ang ibabang labi nya. Napangiti naman ako dahil do'n, gwapo pala si Emman ngayon ko lang napansin.
"I-ikaw naman kasi eh.." lumapit sya sa'kin, nakatingala lang ako sa kanya at hinihintay ang susunod na gagawin. Ipinatong nya ang kanang palad nya sa ulo ko saka yumuko para maging magkatapat ang mga mukha namin, "...hindi na tayo bata Liya, malalaki na tayo"
Ilang ulit ako napalunok. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa labi ni Emman habang nagsasalita ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano'ng dahilan. Nasobrahan siguro ako sa kape? Aisht!
"Hindi mo na ko pwede makitang nagbibihis o nakahubad, unless..." Dumiretso sya ng tayo saka ngumisi.
"Ano?" kunot-noo kong tanong dahil hindi ko ma-gets ang sinasabi nya.
Nawala ang pagkaka-ngisi nya saka sumimangot. "Hays napaka slow mo talaga"
Nginusuan ko sya. "Isa pa yan" ngumuso sya at ginaya ang ginawa ko.
"Anong yan?"
"Yan, yung pagnguso mo. Di ako natutuwa pag nakikita kitang ganyan. Feeling mo ba cute ka ha? Tsk mukha kang tulya" inirapan ko sya, bago pa ko pumasok sa loob, buong lakas kong sinipa ang binti nya.
"Hindi na tayo bata pero ikaw, pumapasok ka pa rin sa kwarto ko. Dumadaan ka pa rin sa veranda diretso sakin. Hmp akala mo ha" nginusuan ko sya ulit bago pumasok sa pinto ng bahay.
Kanina pa 'ko nakatitig sa kisame, ilang libong tupa na ang nabilang ko pero wala pa rin, hindi ako makatulog. Ayoko ring pumikit dahil twing pumipikit ako, yung mukha ni Emman yung nakikita ko. Masyado na siguro ako'ng malapit sa kanya. Sya na lang nakikita kong mukha buong buhay ko kaya pati sa pagpikit, sya pa rin hays.Pero sa twing naalala ko talaga yung mukha nya kanina habang sobrang lapit sa'kin, at yung labi nya habang nagsasalita, hindi mapigilang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Aisht nababaliw ka na Liya!!" Kinuha ko ang unan sa gilid ko at itinakip sa mukha ko. Kung ano man yun, paniguradong dahil pagod lang ako. Haysss hays talaga.
Miguel's POVNadatnan ko si Liya na naglalakad papasok sa gate kaya mabilis ako'ng tumakbo at sinabayan sya.
"Good morning Vice" nilingon nya ako at nabigla ako sa nakita ko.
Nanlalalim ang mga mata nya at tila isang buwang hindi nakatulog.
"Anyare sayo Vice?"
"Nung sabado pagkauwi ko, di ako makatulog. Kahapon nang maghapon hanggang kagabi, hindi rin. Migs, kinakabahan na ko. Kaylangan mo Kong tulungan" hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na ng ilang beses sya'ng magpacute sakin.
"Ano ba kasing nangyayari sa'yo?" tumigil ako sa harap ng guard na sandaling sinilip ang laman ng bag ko saka nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Liya.
![](https://img.wattpad.com/cover/217675577-288-k246081.jpg)
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...