Liya's POV
Kadalasan sa istorya, nagsisimula sa unang araw ng eskwela. Kung saan lahat ay bago, bago'ng damit, uniporme, bagong mga gamit at bagong mga kaklase. Nakakatuwa lang rin dahil tulad ng mga napapanuod ko sa telenovela, ngayon ganun na rin ako. Sisimulan ko ang napakagandang istorya ng senior high school ko nang walang kahit na sino ang pwedeng sumira...
Kahit pa si Emman."Ready ka na?" Bungad ng mama ko sa'kin.
Naka-bihis na agad ako dahil sa excitement na nadarama ko. Sobrang bilis din ng kain na ginawa ko para makapag-abang ng jeep na sasakyan papasok sa eskwelahan ko.
Habang nasa jeep, marami akong mga nakasabay na kagaya ng uniform ko. 'Hi mga schoolmates' sana may maging kaclose agad ako sa kaklase ko. Gusto ko na mag-enjoy ko ang buong dalawang taon ko sa eskwelahan na'to. Nasira na yung sampung taon ko sa elementary at high school, sana naman ito, perfect na.Nakipagunahan pa ako bumaba sa jeep. Kasalukuyan na ako'ng naglalakad papasok sa gate ng school nang may magtilian na kababaihan.
Akala ko ay sa mga palabas ko lang makikita ang ganitong scenario, dito rin pala. Pero hindi ba, magandang pangitain to? Na talagang maeenjoy ko ang senior high life ko dahil may mga bagay na ngayon ko lang naranasan.Bago pa ako tumuloy ay nakiailip ako kung sono ba yung pinagkakaguluhan. Kaso di ko kilala.
"I LOVE YOU, CANON!" sigaw ng mga kababaihan. In fairness, familiar ang pangalan nya sakin.
Naka-jacket ang lalaki at naka sun glasses pa eh hindi pa naman nakatirik ang araw.
Hindi na ako nagtagal pa at hinanap ko na ang classroom ko. Panigurado na kung dito man mag-aaral yung taong sumira ng sampung taon ko sa eskwelahan ay hindi ko sya magiging kaklase.
Balita ko, ang pangarap nya ay maging business man kaya kahit bobo ako at labag sa loob ko, sa STEM ako nagenroll. At kung maisipan nya man na mag-STEM, for sure, sa highest section sya mapupunta. Tama, ligtas na ligtas na ako sa kamalasan.
Miguel's POV
Lumingon-lingon ako sa paligid, malinis ang bawat hallway. Maayos din ang pagkakapintura ng bawat ding-ding, ganun na rin ang mga tiles sa sahig, pantay-pantay.
Mukhang tama ako ng eskwelahang napili. Pero masyadong magulo ang mga estudyante, hindi ko tuloy mahanap kung nasaan ba ang classroom ko."Excuse me, pwede magtanong?" Agad kong hinawi ang braso ng babae na humawak sakin.
Magtatanong na lang, hahawak pa."Hmp sungit ah, tatanong lang kung saan yung Stem 11-4?" Pinagmasdan ko sya. Magiging kaklase ko pala ang isang 'to.
Matangkad naman sya at mukhang malinis sa katawan, pwede na kaibiganin. Pero nah, mukhang madaldal kaya wag na lang.
"Sorry, naghahanap lang rin ako ng room" tinalikuran ko sya at saka nagdiretso sa bulletin board. Malamang ay nandito ang schedule at ang room na naka-assign samin.STEM 11-4 ST. MARK ROOM 304
Oww shoot. First day, first subject tapos third floor agad?
Canon's POV
Hindi ko inaasahan na magiging gano'n ang pagtanggap sakin kanina.
Hindi naman ako gaanong sikat lalo na't bago pa lang naman ang banda namin pero bakit kaya ang daming fans kanina?
Dumiretso na ako agad sa third floor kung saan gaganapin ang unang klase ko. Ang tanging hiling ko lang ngayon, maging normal na estudyante ako sa paningin lalo ng mga kaklase ko.
Nayah's POV
"Good morning" bati ng isang bagong dating mula sa pinto. Kanina ko pa pinagmamasdan ang mga magiging kaklase ko and just by seeing them, pakiramdam ko ay nasa maling klase ako.
Iba-iba sila ng trip sa buhay, yung isa, wagas kung makangiti. Lahat na lang yata nginitian, gusto siguro maging class mayor.
Yung isang lalaki naman, paulit-ulit kung mag-alcohol at sanitizer kala mo naman germs at bacteria ang mga kasama nya.
Yung isang lalaki naman, may sun glasses pa sa polo, summer na boy?
Hmp ewan ko ba. Pakiramdam ko talaga, may mali sa results ng exam eh.
Liya's POV
Nagmamadaling pumasok ang sa tingin ko ay magiging teacher namin. Humahangos pa sya nang tumayo sa harapan, lahat naman kami ay nakatingin lang sa kanya.
Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Sobrang natutuwa ako sa kinakahinatnan ng umaga ko. Sobrang linis ng eskwelahan, walang Emman na nakakalat."Okay, good morning class. I am Mr. Justin Aguilar, just call me Sir Justin dahil bata pa naman ako. Ako ang magiging adviser nyo for your whole senior highschool journey kaya dapat, maging close tayong lahat. Wala akong jowa dahil sakit lang yun sa ulo, kung gusto nyo mag-apply, hindi rin pwede. Okay sino next magpapakilala? Tumayo na" dire-diretso nyang sabi dahilan para lalo pang madagdagan ang sayang nararamdaman ko.
Nice, mukhang cool ang adviser namin ah!Naunang tumayo ang nasa pinaka-unahan kong kaklase at isa-isa nang nagpakilala.
"I am Althea Castro, from Holy Angels Academy. Ahmm.. mahilig ako sa arts, I do paintings, calligraphys and more. I want to be a nurse kaya ako nag-Stem. Yun lang, thank you!" Umupo sya at sumunod naman ang katabi.
"Ako si James Miguel Aguirre mula sa St. Bartholomew High School. I am a neat-freak, ayoko sa marumi. I chose stem because I want to be a chemical engineer"
Sumunod na tumayo ang isang babae mula sa unahan. May kahabaan ang buhok nya, at sa itsura pa lang, mahahalata mong sya ang pinakamayaman sa aming lahat.
"I am Nayah Grace Marjani from St. Thomas University. I do love studying, but that doesn't mean I'm a studybug. Anyways, please be good to me"
Nagsimula nang magsunod-sunod ang pagpapakilala. Tumayo na ang lalaking katabi ko, ako na ang susunod sa kanya.
"I am Canon Xi, I am the lead vocalist of the Band, The Star. Despite of being a music lover, I chose STEM dahil gusto ko'ng maging Civil Engineer"
Nginitian nya pa ako bago ako tuluyang tumayo. Okay- ako na. Hingang malalim.
Sabi nila, masasabi mo raw masaya ang magiging buhay mo sa high school kapag nakapagpakilala ka nang maayos sa harap ng mga kaklase mo. Hindi na ako mahihiya, wala naman ako no'n."Hi guys! I am Malaia Venancio, 17 years old. Mahabang kwento kung bakit ako nag-STEM pero isa sa mga dahilan ay para makaiwas sa isang tao na kinaiinisan ko. Luckily, wala ang pangalan nya sa listahan at mukhang maeenjoy ko ang buong senior high school journey ko. Sana maging okay ang section natin, Jiayou!"
Matapos kong magpakilala, sigurado ko na. ANG SAYA NG MAGIGING BUHAY KO!
---------
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...