Miguel's POV
Magkakasama kami ngayon habang naglalakad sa pataas na bahagi ng kalsada, kakalaba spalang namin ng gate at yes, dito nadulas si Liya kaya sya nagkabukol sa paa ng ilang araw.
"Ano naman yung sinabi mo kanina Emman?" natatawang tanong ni Althea kay Emman pero kinunotan lang sila ng noo ni Emman.
Huminto si Althea, Grasya at Nayah kaya napahinto rin kami. Agad na umarte bilang Liya si Nayah habang hawak ni Althea ang braso ni Grasya na kunwari ay sasampalin si Nayah.
"Walang kang karapatang saktan si Liya" panggagaya pa ni Althea. Sa sobrang inis ni Emman, pinitik nito ang noo ni Althea.
"Tungeks, ako lang kasi pwedeng manakit kay Liya" paliwanag nito. Napa-"ahh okay" na lang kami dahil obviously, hindi iyon ang dahilan.
Grasya's POV"Eleanor, kelan mo pala isasama si Winter?" wala sa hinagap na tanong ni Nayah.
"Si Wint? Sabi nya sa'kin, bukas daw ay papasok na sya. May tatapusin lang daw sya'ng gulo ngayong araw" kaswal na sagot naman ni Eleanor.
"Gulo? As in away?" paglilinaw ko pa. Tango naman ang sagot nito sa'kin.
"Ganun ka rin dati El? Nakikipag-away ka rin?" tango ulit ang isinagot nito sa'kin.
Napa- OMG na lang ako dahil nakakabigla talaga iyon.
Nakarating na kami sa likod ng bayan kung saan kaylangan na namin maghiwa-hiwalay. Nauna nang umuwi sila Liya at Emman habang naiwan naman ako, si Eleanor, si Canon, si Althea, si Nayah, si Miguel at yung kambal.
"Gusto nyo mapanuod yung away?" tanong ni Eleanor sa'min. Agad naman sya'ng binatukan ni Canon.
"Aray ko, bakit ba?" natatawa pang tanong ni Eleanor.
"Ako gusto ko! Sama ako" masayang saad ko pero sinamaan ako ng tingin nila Andrean.
"Tumigil ka nga Grasya, mapano ka pa don eh" inis na sabi ni Miguel sa'kin.
"Biro lang naman, pero kung gusto nyo, dun ako papunta ngayon eh"
Sinamaan ako ng tingin nila Nayah dahil alam nilang gusto ko'ng samahan si Eleanor. Kahit na natatakot ako, gusto ko talaga sya'ng samahan.
"Andyan na yung sundo ko, mauna na ko ah" paalam ni Canon.
Sinusundo sya ng manager ng banda nila, mabuti nga at hindi na gaya ng una yung pagdumog sa kanya ng mga tao.
"Okay umalis na si Canon, uwi na rin ako" paalam ni Althea saka nagmamadaling tumakbo sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila.
"Uuwi na rin ako guys, andyan na yung kuya ko" turo ni Nayah sa sasakyan ng kuya nya. Mayaman talaga.
"Uuwi na rin kami" paalam ng kambal at ni Miguel dahil nasa iisang lugar ang terminal ng mga jeep nila.
"S-sabay na ko" malungkot na sabi ko dahil alam ko'ng magagalit lang din sila sa'kin pag nalaman nilang sinamahan ko si Eleanor.
"Ingat kayo" paalam ni Eleanor sa'min saka naglakad pabalik sa dinaanan namin kanina.
Kami na lang ni Miguel ang magkasama dahil pareho kami ng way pauwi. Mauuna nga lang datnan ang sa akin."Gusto mo si Eleanor, noh?" natatawang tanong nya sakin.
"Bat mo alam?"
"Obvious eh. Eh ikaw, di mo ba nahahalata kung sino yung gusto nya?" kumabog nang mabilis ang puso ko. Bakit ba pareho sila nila Althea ng sinasabi?
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...