Liya's POV
"Nalaman ko na yung result" malungkot kong bungad kay Emman. Naka uniform pa sya, napansin ko ring blangko ang mukha nya. Anong nangyari?
"At least isa lang lamang sakin, malakas rin pala ang charisma ko" natatawa ko pang sabi pero hindi man lang sya nag react.
"Anong nangyari, Emman?" sinilip kong pilit ang mukha nya pero hindi sya nagsasalita. "Hindi mo na nga pala ko kaylangan samahan sa ospital, nawala na yung pamamaga ng paa ko konti na lang yung sakit. Makakapasok na ko bukas" proud ko pang sabi.
"Sabado bukas" tugon nya. "Bumili ako ng pagkain mo, uwi na ko" hinayaan ko na sya umalis. Ang mahalaga may pagkain ako, hehe.
Andrei's POV
"Feeling ko ang sama natin kay Mayor kanina" nakangusong wika ni Grasya. Tiningnan ko sya, "seryoso ka? Matapos nyang hindi iboto si Liya tapos tayo pa yung masama?"
"Hindi naman natin alam kung sya ba talaga yung hindi bumoto eh, saka alam nyo ba na nung campaign day, si Emman mismo ang nagcampaign para kay Liya? Kaya I don't think, magagawa nya yun" lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Seryoso ka?" sabay-sabay naming tanong.
"Oo naman. Kaya nga sya may suot na sash non at kasama yung partido ni Liya eh. Nalaman ko yun sa kaibigan ko kasi nagcampaign sa kanila si Emman"
"Bakit ngayon mo lang sinabi samin?" agad kong pinigilan si Miguel na akmang magagalit na naman kay Grasya, wala naman syang ginawang mali kaya di dapat kagalitan.
"Nakakakonsensya tuloy" bulong ni Canon. "Kung hindi si Mayor, sino namang boboto kay Ara imbis na si Liya ang iboto?" Kibit-balikat lang ang tugon nila.
"Hayaan nyo na yon, kalayaan naman natin kung sino iboboto natin eh" sagot ni Canon, "ang mali lang natin, masyado nating sineryoso. Isa pa, ang dapat nating gawin, mag sorry kay Mayor"
Emman's POV
Maaga ako'ng bumangon para dalhan ng niluto kong almusal si Liya. Hindi marunong magluto ang babae'ng yun, paniguradong lahat ng gagawin no'n, palpak.
Lalabas na sana ako nang magring ang cellphone ko, si Sir Justin.
"Hello sir?"
Hinintay ko'ng magsalita si Sir.
"Good morning Daivik, Sir Justin ito. Tungkol 'to sa mga kaklase mo, pwede ka ba ngayon?"
Mukhang seryoso ang problema dahil seryoso rin makipag-usap si Sir.
"Opo Sir, sa school po ba?"
"Nope, isesend ko sayo yung address kung saan tayo magkikita"
Ibinaba nya ang linya. Dumiretso na muna ako sa bahay ni Liya para dalhin ang pagkain. Hindi nakalock ang pinto pero wala sya sa sala. Tulog pa ba yun? Pero bakit hindi naka-lock? Tsk. Inilapag ko sa mesa ang niluto ko at saka ini-lock ang pinto.
Liya's POV
Nasa mall ako ngayon kasama ang mga kaibigan ko. Naalala ko kasi'ng sa friday ay birthday na ni Emman kaya gusto ko'ng isurprise sya. Sinabi rin nila sa'kin yung nagawa nila kay Emman at nakokonsensya ako lalo na't sya pa pala ang nag-campaign para sa'kin.
"Alam nyo guys, wala naman sa'kin kung manalo ako do'n or hindi eh. Di ko nga ginusto'ng tumakbo, pinagtripan lang ako ni Emman"
Lahat sila ay nakayuko, sobrang nakokonsensya rin sila sa lahat ng sinabi nila kay Emman.
"Mabait naman yun si Emman, hindi nga lang sa'kin pero sure ako, di nyo na kaylangang magsorry sa kanya. Basta, tulungan nyo lang ako masuprise sya ha? Gusto ko yung sa sobrang saya nya mapapaluhod sya sa harap ko tapos sasabihin nya, 'Liya ikaw na ang aking master' HAHAHA ang ganda siguro no'n"
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomansaCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...