Chapter 30

9 7 0
                                    

Grasya's POV


Nasa gym na kami at kung minamalas ka nga naman, katabi namin ang section 1 na nakaupo rin sa sahig ng gym.

Kanina pa kami nakaupo at namamanhid na ang mga pwet namin pero wala pa rin ang Principal. Kanina pa nag-iingay ang section 4 at kanina pa rin nagpaparinig ang section 1.

"Good morning students of ICA, ICP and ICI" pagsasalita ng isang lalaki sa stage.


"I am Mr. Derek Ferez, the new Principal of Immaculate Conception. I am very pleased to meet you all here. Also, I want to introduce my daughter. Come here, Zhia"

Tumayo ang bagong kaklase namin na si Zhia at umakyat sa stage. Umugong ang bulungan sa gym at pinaka malakas ang sa section 1.

"How come that that bitch is his daughter? Alam mo bang sobrang---aisht!" Hindi na tinuloy ni Ara ang sinasabi at nanahimik na lang sya.

"Good morning everyone. I am Zhiandria Ferez. Yes, I'm the daughter of Mr. Ferez but please don't treat me special. I also want to take this opportunity to thank my friend who introduced this wonderful school to me" ngumiti sya at tumingin sa gawi namin, "Thank you Ammnuel Daivik" malambing nyang sabi saka bumaba ng stage.

"What the--- panibagong karibal na naman?" Iritableng wika ni Ara na nasa likuran ko.

 
"More announcements will be announced on the following dates. Be prepared for your intramurals" nagsipagdiwang agad ang lahat nang marinig ang tungkol sa intrams. Lalo na ang section 4, syempre.

 
   
 

 
Liya's POV

Bumalik ako sa room para kunin ang bag ko na naiwanan ko kanina. Lunch break na at ang iba kong mga kaibigan ay nasa canteen at hinihintay na ako.

Halos mahimatay ako sa gulat nang makita si Emman na nasa likuran ko lang pala.

"Ano namang ginagawa mo dito? Bat ka nanggugulat?" Pinulot ko ang notebook ko na nahulog dahil sa pagkagulat ko.

"Ngayon lang ako nagkachance na lapitan ka eh. I want to explain my side Liya. S-si Zhia, kaibigan ko lang yun and---"


"No need to explain Emman, di mo naman ako girlfriend" ginulo ko ang buhok nya saka nagpaumunang maglakad pero mabilis na naman ako'ng pinigilan nito.


"Nagseselos ka ba?"


"Hindi"


"Tsk Liya, bumalik ka na sa tabi ko. Ayokong katabi si Zhia bat mo naman isinuko yung pwesto mo?"


Nakanguso ito at halatang nag-iinarte. Hindi ko naman alam na ayaw nya palang hayaan ko kay Zhia ang upuan nya, ang akala ko ay matutuwa sya sakin.


"Gusto ka nya'ng katabi eh"


"Ako ba di mo gustong katabi?"


"Pero mas gusto ka nya--"


"Pero ikaw yung gusto ko"


Natahimik ako sa isinagot nya. Pinakiramdaman ko ang puso ko, normal pa rin ang bilis ng tibok nito. Hindi ako kinikilig.


"Hays gutom lang yan Emman, tara sa canteen libre ko"


A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now