Liya's POV
Nagmamadali ako sa pagtakbo papunta sa eskwelahan. Medyo malayo pa ako at talagang late na! Masyado akong napagod kagabi at napuyat rin ako kaya tanghali na ako nagising.
"Vice mayor!" hindi ko na nagawang lingunin kung sino man yung tumatawag sa'kin. Dumating ako sa pababang kalsada papunta sa gate ng eskwelahan, at dahil sa pagtakbo ko, hindi ko nagawang pumreno. Dire-diretso ako pababa hanggang sa madausdos at madapa.
"Hala ka Vice!" sigaw ng lalaking tumawag sa'kin kanina. Itinayo nya ako, inabot ko naman ang kamay nya. No'n ko lang nakilala kung sino sya-si El. Naka-uniporme ito at maayos ang itsura. Wala ang hikaw na suot nya at maayos ang buhok, mukha na syang estudyante.
"Ayos ka lang ba? Kaya mo maglakad?" Tumango ako, hahakbang na sana ako pero sobrang sakit ng paa ko. May gasgas din ako sa binti, maraming gasgas. Ang bobo kasi eh.
Nagulat ako nang biglang yumuko patalikod si El sa harap ko-"ano yan?" hindi nya na ako hinintay na magsilata pa ulit, ipinasan nya ako sa likuran niya. Ang daming estudyante ang nakatingin sa amin at sobrang hiyang-hiya na ako. Alam ko ang iniisip nilang lahat pero nah-bunga lang ito ng kabobohan ko.
Bago pa kami pumasok sa theatre room ay nagpababa na ako kay Eleanor. Iika-ika pa rin ako pero mas okay na to kaysa buhatin nya pa ako. Halos lahat ay nakatingin sa'min, bukod sa nagagandahan sila sakin, for sure ang lahat ng babae, na kay Eleanor ang pansin.
Umupo kami kung saan nakaupo ang mga kaklase namin. Bakante ang tabi ni Emman at ang kabilang dulo, bale sya ang nasa gitna ng dalawang bakanteng upuan. Naupo ako sa pinakadulo habang si Eleanor ay sa kaliwang side naman ni Emman.
"Ano na namang kabobohan ang ginawa mo?" bulong ni Emman sakin. Inirapan ko lang sya at hindi pinansin.
Buong orientation ako natulog kaya wala ako'ng alam sa nangyari. Nag-uumpisa nang magsilabasan ang mga estudyante, ang mga kaklase ko na nasa bandang hulihan ay nauna nang makalabas, kami na lang nila Emman ang hindi.
"Emman, pwede ba tayo mag-usap?" tanong nung babaeng maganda sa section 1.
"Hmm" tanging tugon ni Emman. Tiningnan naman ako nung babae at tinaasan ng isang kilay.
"Vice mayor" tawag sakin ni Eleanor. Kaunti na lang kami sa loob ng theatre room kaya dinig na dinig namin ang isa't isa. Nasa gitna namin ni Eleanor si Emman habang nasa harapan naman ang babaeng taga section 1. Nakatayo na kami pero di ako makaalis dahil nakaharang sa daanan si Emman dahil nga hinarang sya nung babae sa section 1.
"Okay na ba yung paa mo? Kaya mo na maglakad?" Tumango lang ako bilang tugon.
"Eleanoooooor!" Sigaw nila Canon, Andrei at Andrean. Kasama rin nila sina Grasya, Althea at Miguel.
"Tara pre, ittour ka namin sa canteen" magsasalita pa sana si Eleanor pero hinila na sya ng mga kaklase ko at iniwan ako. T^T
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...