Emman's POV
Ayoko sanang dalhin si Liya sa airport, masyadong ubos sa oras ko pero kakainin naman ako ng konsensya ko pag di ko sinabi agad sa kanya. Isa pa, masyadong isip-bata 'to, baka mamaya iyakan pa ko at sisihin.
Iniwan ko sila saglit ni tita para mag-usap.
"Tara na" nakangiting wika ni Liya mula sa likuran ko. Mukha namang okay lang sya at hindi na iniisip pa ang pag-alis ng mama nya.
"Next year pa balik ni mama, sunod-sunod mga operations nila. Tsk parang ayoko na tuloy mag-doctor hassle pala"
"Di ka din naman papasa eh" pang-aasar ko dahilan para paluin nya ako sa balikat. Tsk kahit kaylan, apakabigat ng kamay nya.
Huminto sya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Nilingon nya ako at binigyan ng nakakatakot na tingin. Mukhang nagpapaawa sya at hindi ako natutuwa sa itsura nya.
"Bakit?"
"P-pwede mo ba ko turuan magluto? Heehehe wala akong alam lutuin, alam mo naman diba?" Umiling ako bilang sagot. Wala naman akong mapapala, bat ko sya ipagluluto.
Grace's POV
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa eskwelahan ngayon pdahil kukunin ko ang isang set ng uniform na binili ko. Late na rin kasi ako um-order kaya ngayon ko pa lang makukuha.
Wala kaming pasok ngayong araw kaya naman nakakapagtaka na parang nakita ko yung dalawang kaklase ko na palaging nag-aaway. Ano nga ulit pangalan nila?
Umakyat ako sa second floor ng junior high building para kunin na ang uniporme pagtapos ay dumaan sa canteen para magmiryenda. Tama nga, yun nga yung dalawang kaklase ko.
Lalapitan ko na sana sila kaso ay mukhang nag-aaway na naman.
"Bakit mo kasi ako pinilit dun? Tsk nakakainis ka alam mo ba yon?" Iritableng wika ng babae kong kaklase na hindi ko maalala ang pangalan.
"Tss ayos nga yun eh, magkalaban tayo" sagot naman nung lalaki. Binatukan nung kaklase kong babae yung gwapo kong kaklase.
"Ah-ahem, Hi!" Pagkuha ko sa atensyon nila. Pareho silang natigilan at napatingin sa'kin.
"Hmm, stem 11-4 kayo diba? Kaklase nyo ko" umupo ako sa upuang nasa harapan nilang dalawa. Bahagyang nag-ayos yung kaklase kong lalaki ng uniporme nya na medyo nagulo nang pagpapaluin pa sya nung babae.
"Hmm Grasya tama?" Tanong nung kaklase kong babae. Nagulat pa ako dahil tanda nya ang pangalan ko samantalang ako ay hindi sya kilala.
"Hmm.." sabay tango ko pa, "Grasya ang tawag sakin nila Althea pero April Grace talaga ang pangalan ko"
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...