Winter's POV
Sumapit ang gabi, kakatapos lang rin namin maghapunan. Lahat kami ay nasa sala at napagpasyahan manuod ng movie.
Nakaupo kaming lahat sa sahig maliban kina Andrei, Andrean at Miguel na sa sofa nakaupo.
Pinanuod ko si Nayah na maglakad papalapit sa'min. Galing sya sa kwarto, kumuha ng unan. Halatang hindi nya alam kung saan uupo dahil nakahiga sina Grasya at Althea, nakaunat rin ang paa ni Canon kung saan nakaunan si Althea, halos sakupin na nila ang space. Si Eleanor naman, nakaunat rin ang paa. Habang si Emman at Liya naman, halos magsiksikan dahil sa kanila. Umusog ako ng konti, pinalo ko rin ang paa ni Eleanor at pinaayos sya ng upo.
Nginitian ako ni Nayah bago umupo sa tabi ko.
"Patayin mo nga yung ilaw Drei" utos ni Eleanor.
"Drean ikaw na" utos naman nito sa kakambal. Nagtalo pa silang dalawa bago kumilos si Miguel at patayin ang ilaw.
Nanahimik rin naman nang mag-umpisa na ang palabas.
"Ano nga'ng title nyan?" Tanong ni Althea na sya'ng pinakamatapang sa girls.
Napansin ko kasing halos magtago na si Grasya kay Althea, habang nakasiksik na si Liya kay Emman. Si Nayah naman, panay takip ng unan sa mukha. Yun pala yung purpose non.
"Ready or not" sagot ni Canon kay Althea.
"Tingnan mo sila" bulong sakin ni Nayah. Inginuso nya si Canon at Althea.
Nakahiga si Althea sa hita ni Canon habang hinihimas ni Canon ang buhok ni Althea. Bumalik yung tingin ko kay Nayah na nakangiwi habang dun sa dalawa pa rin nakatingin.
"Inggit ka ba?" Nanlaki ang mata ni Nayah saka ilang beses na nagkautal-utal.
"H-hindi noh. Gusto ko l-lang itanong k-kung ano sa palagay mo yung m-meron yung dalawa" napangiti naman ako.
Napansin ko na si Nayah ang pinaka-straightforward sa kanilang apat pero ngayon..
Kibit-balikat lang ang tugon ko sa kanya. Saktong pagharap ko sa tv ay ang pagsaksak sa bidang babae.
Sa sobrang gulat ni Nayah ay bigla na lamang syang sumiksik sa tabi ko. Hindi nya pa yata narerealize yung ginawa nya dahil sa tv pa rin sya nakatanaw. Hinayaan ko lang naman sya dahil baka talagang natatakot sya.
Emman's POVHindi yata napansin ni Liya na kanina pa sya nagsusumiksik sa'kin. Pangalawang movie na itong nakasalang at hindi pa rin sya lumalayo sa'kin.
"Liya" bulong ko sa kanya pero hindi ito kumilos.
Sinilip ko ang mukha nya, tanging liwanag na nanggagaling sa tv ang meron. Hindi sya kumikilos dahil nakatulog na pala.
Paano sya nakatulog samantalang takot na takot nga sya kanina?
"Liya, dun ka na sa kwarto matulog" bulong ko ulit pero hindi nya pa rin ako pinakinggan, lalo lang sya sumiksik sa'kin.
Tumayo ako saka ko sya binuhat. Hindi naman ako napansin nila Eleanor dahil busy ito kakanuod.
Nagtataka pa rin ako paanong nakatulog si Liya samantalang napakaingay ni Grasya at Nayah, kanina pa tili nang tili.
"Grabe Liya ang bigat mo ha" pinalo nya ako sa braso at mas lalo pang nagpabigat saka ako pinagtawanan.
"Payatot ka kasi" bulong nya na halatang inaantok talaga.
Ibinagsak ko sya sa malaking kama na nanduon. Napagpasyahan namin na sa kama na matulog ang mga babae at kami, sa sahig na lang. Naglatag na rin kami kanina ng tutulugan namin kahit na ang plano namin, walang matutulog.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...