Liya's POV
Pagod na pagod ako nang mahiga ako sa kama. Ilang oras ako'ng nakatitig sa kisame at inaalala lahat ng nangyari kanina... Hindi ako makapaniwala.
<Flashback>
Natapos ang lahat ng kanta, naisayaw na rin ako ni Eleanor at ni Andrei. Ganun din nila Canon, Andrean, Winter at Miguel. Sila din ay sinayaw ang tatlo pang babae.
Pero nung huling kanta na, hindi ko inaasahang tatayo muli si Emman at ilalahad ang kamay sa harap ko..ulit.
Akala ko ay biro lang yung sinabi nya'ng sya ang una't huli kong isasayaw. Ayokong umasa pero may nase-sense ako'ng kakaiba kay Emman simula pa nung nakaraan.
Now playing: Una't Huling Pag-ibig by Yeng Constantino
Ikaw ang una't huling
Pag-ibig ng buhay ko
Kay tagal mang naghintay
Nandito ka na aking habangbuhayNanlamig ang palad ko nang mahawakan si Emman. Hindi ko rin alam ang mararamdaman lalo na nang maglakad kami papunta sa gitna.
Ito yung kantang nagpapaalala sa'kin kay Juanito Alfonso. Paborito ko rin ang kantang 'to, at si Emman ang kasayaw ko.
Tiningala ko sya at diretso lang ang tingin nito sa'kin. Hindi ko kayang tagalan ang titig ni Emman dahil hindi nya pa ako tiningnan nang ganito noon.
Sinlinaw ng langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dalawa ay maging isa"Emman.. umamin ka nga" sandali sya'ng nahinto pero hindi nya ipinahalata sa'kin.
"A-ano?"
"Gusto mo ba ko?" Tiningnan ko sya nang diretso pero nag-iwas lang sya ng tingin sa'kin.
Ikaw ang una't huling
Mamahalin ko ng gan'to
Nais kong malaman mo
Dati pangarap lang ito"Yun ba yung iniisip mo? Aisht" ngumisi sya habang patuloy pa rin kaming nagsasayaw.
"Wala lang, di ka naman kasi ganito dati"
"Tsk pano kung oo?"
Sinlinaw ng langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dalawa
Ay maging isa
Habangbuhay
HabangbuhayHuminto ako at ganun din sya. Ilang beses pa ako'ng pumikit at kunot-noo syang tinitigan pero tumango lang ito.
"T-totoo nga?"
"Bakit? Masama ba?" Maangas pang tanong nya.
Nakailang lunok ako ng laway ko pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa mukha nya.
Sinlinaw ng langit na bughaw
Hanggang sa dulo ako at ikaw
Iginuhit na ng tadhana
Na tayong dalawa ay maging isa
Una't huling pag-ibig ko"Oo Liya, gusto nga kita. Pero wag kang mayabang, di naman kita liligawan" dagdag pa nya saka bumitaw sa'kin.
Eh?
<End>
"Pano naging posible na nagustuhan ako ni Emman?" Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin masagot ang sariling tanong.
"Bobo ako sa acads pero.. mas bobo pala si Emman sa pagpili ng babae?"
Bumangon ako sa pagkakahiga at naupo sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko at akmang magmemessage sa kanya pero mas pinili kong wag na lang.
"ARGH PAG AKO NAPUYAT, KASALANAN MO EMMAN!" Inis kong ginulo ang buhok ko saka nagtalukbong ng kumot.
"Bakit ba kasi ang daming babae sa eskwelahan tapos ako pa magugustuhan mo? Aaaaahhhhh"
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...