Liya's POV
Kasalukuyan kami'ng nagkaklase. Hindi ko alam na mas nakakaantok pala maupo sa likod kaysa katabi si Emman. Kahit na hindi sya nagsasalita, ginigising nya ko pag natutulog ako.
Tinanaw ko ang upuan ni Emman, katabi nya pa rin si Zhia na nakaupo sa dati kong pwesto. Hays.
Nakangiti si Zhia habang sabay silang nagsosolve ni Emman ng calculus. Tsk apakaduga.
Ilang minuto na ang nakalipas at hindi ko na talaga kaya. Inaantok na ko huhu.
"Sir, magccr lang ako" paalam ko kay Sir. Hindi ko na sya hinintay pang kumibo, nagtatakbo na ko palabas.
Naghilamos ako pagpasok sa cr. May 30 minutes pang natitira at hindi ko talaga kayang tagalan ang klase na yon.
Palabas na ko ng cr nang may dumaang babae sa harapan ko. Nakayuko sya at nagmamadaling pumasok sa cubicle.Taeng-tae na siguro sya.
Grasya's POV
Magkasama kami ni Althea na nakaupo sa hagdan sa harap ng ICA. Hinihintay namin sila Canon na makababa dahil nag-cr pa sila. Si Nayah naman ay nasa library habang si Liya, kanina pa namin hindi nakikita.
"Sa tingin mo, may gusto si Emman kay Zhia?"
Tiningnan ako ni Thea saka pinagtawanan. "Baliw ka ba? Obvious naman na si Liya ang gusto ni Emman"
Literal na napanganga ako at hindi makapaniwala sa narinig.
"Sigurado ka ba---"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang tumunog ang cellphone nya. Seryoso ang mukha nya saka ngumiti.
"Sino yan? Bakit daw?"
Tumayo sya, "nag text si Canon, pupuntahan ko lang sya" hindi nya na ako hinintay pa'ng magsalita, tumakbo sya paakyat ng ICA.
Hays. Konti na lang ang tao dahil nagsipag-uwian na sila pero hanggang ngayon, hindi pa rin tapos umihi ang boys namin.
"Grasya" tumakbo palapit sa'kin si Nayah na may dala-dala'ng libro. "Si Althea saka si Liya?"
"Oy tara na!" Bumaba mula sa hagdan sina Canon kasama ang iba pang lalaki.Teka, akala ko ba magkikita si Canon at Thea?
"Asan si Thea?" Tanong pa nya dahilan para lalo ako'ng kabahan.Sasagot na sana ako nang marinig ang malakas na pagbagsak mula sa itaas ng building. Nanginginig ako nang makita ang isang babae na nakahiga sa sahig.
Miski si Nayah ay gulat na gulat sa nakita. Tumakbo ako palapit sa babae. Nanghina ako nang makitang duguan ito at malala ang tama.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ni Nayah sa mga lalaki.
Hindi pa man nawawala ang sari-saring emosyon ko, nadagdagan na naman nang sumigaw ang isang estudyante.
"SI ALTHEA YUNG TUMULAK!"
Tumingala ako at para bang nagyelo sa kinatatayuan ko nang makita si Thea sa second floor. Kitang-kita ko ang gulat na gulat nya'ng mukha.
Imposible.
Emman's POV"I'm Attorney Renzo Daivik and I will be handling your case"
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...