Chapter 18

7 7 0
                                    

Nayah's POV

Kasalukuyan ako'ng nasa library nang makita si Emman na nasa kabilang table. Nilapitan ko sya at tila yata napakabusy nya dahil hindi man lang nya ako napansin na tumayo sa gilid nya. Sumilip ako sa librong binabasa nya, at nagulat ako nang marealize na hindi sya nagbabasa ng libro. Nakabukas lang ito pero yung totoo, nagcecellphone sya. Mabuti na lang at malinaw ang mata ko, kitang-kita ko kung ano yung binabasa nya.

'10 Smart Ways to Get Your Crush Notice You'

Gusto ko'ng tumawa pero nasa library kami kaya pinipigilan ko.

'Has someone caught your eyes lately? Do you get insomnia thinking about that person all night and spend the whole day daydreaming about your first date?...'

Pumwesto ako sa likuran nya at sobrang busy nya talaga dahil hindi nya pa rin ako napapansin. Nag-scroll sya sa cellphone nya.

'Instead of waiting for nothing, why not try to find out if there could be a chance for your crush to like you. However, I’m not saying you confess your feelings nor you make it obvious to that person, because it might cause him/her to repel you instead'

Bakit kasi hindi nya na lang ako tanungin kung pano manligaw? Nagpapakahirap pa sya magbasa.

'1. Be a head-turner.
Physical appearance is not everything to look at when you like someone. However, you and I know that it’s the first thing that catches humans’ attentions. That’s why, if you want your crush to notice you, being physically attractive can be the first step'

Napabuntong-hininga sya. "Kaylangan ba talaga maging gwapo para mapansin?" inis nya'ng bulong sa sarili nya.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat nya dahilan para bigla nyang itiklop ang libro'ng hawak.

"Hay nako Emman, wag ka'ng nagre-rely sa ganyan. Mas accurate kung sa babae ka mismo magtatanong" umupo ako sa tabi nya.

"Gusto mo pumorma kay Liya diba, so ganito--"

"Hindi ako, si Canon" mahinahong tugon nya.

"H-ha?"

"Since nahuli mo na 'ko, sasabihin ko na yung totoo sa'yo.." kinakabahan naman ako sa kanya dahil sobrang seryoso ng mukha nya. "Nagpapaturo si Canon sa'kin, ayoko namang sabihing wala ako'ng alam kaya nag-aaral ako"

"Seryoso?" tumango naman sya dahilan para mapanguso ako, sayang naman akala ko, gusto nya na si Liya ligawan.

"Since andito ka na rin, go, teach me. Para maituro ko na rin kay Canon" ngumiwi ako. Hindi ba pagnanakaw ng idea yon?

"Ayoko nga. Kung hindi gagawin ni Canon para kay Althea yan, hindi ko na sya tuturuan"

"Hindi nya naman sinabi sa'kin kung bakit sya nagtatanong, di ko rin naman tinanong. Dali na, sabihin mo na lang" hindi ko alam na may ganitong character din pala itong si Emman.

"Okay, isa sa mga natutunan ko sa panunuod ng Cdrama.." hindi ko pa naipagpapatuloy ay kumuha na sya ng papel at ballpen. Wow? Ganito sya kaseryoso sa pag-aaral ng moves?

"Go, dali" ibang klase rin pala talaga si Emman.

"Okay, if may baso sya o kaya tumbler pag nakita mong nasa ibabaw ng desk nya yun, ibagsak mo pero syempre kunwari aksidente lang" kumunot ang kilay nya.

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Basta isulat mo na lang, mapapansin ka nya panigurado" nakangiti ko pang payo sa kanya.

Ngumiwi sya, "kung kagaya ni Liya ang magugustuhan ni Canon, paniguradong ipupukpok lang sa kanya yung baso na nabasag nya"

Ngumiti ako nang nakakaloko at nang-aasar, "eh.. hindi naman para kay Liya diba?" natatawa ko pang sabi.

A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now