Liya's POV
Matapos magkape ni Emman, nakatulog sya ulit. Nakatingin lang ako sa kanya dahil nawala na ang antok ko. Tamad na tamad na rin ako pumikit pero wala naman ako'ng magawa.
Dumungaw ako sa mukha nya. Ang tangos-tangos pala talaga ng ilong nya. In fairness, kulay rosas din ang labi nya. Hindi gaanong mahaba ang pilik mata nya pero ang mata nya, sobrang ganda talaga lalo na pag nakangiti.
Hindi ko man masabi sa kanya lahat ng to, pero alam ko'ng alam nya naman na gwapo sya. Araw-araw nga nyang sinasabi sakin 'yon at oras-oras din sya'ng nakatingin sa salamin o di kaya sa camera.
Hinawi ko ang buhok nya'ng nakaharang sa kagwapuhan nya.
"Ang daming babae'ng nagkakagusto sa'yo sa ICP, bakit mo naman ako liligawan?" Natawa ako sa sarili kong tanong. "Ang tali-talino mo tapos ako, bobo lang. Di ako maganda, hindi sexy, wala ngang nagkakagusto sakin tapos ikaw?"
Aayos na sana ako ng upo nang bigla sya'ng gumalaw at hawakan ang braso ko.
Emman's POVNanlalaki ang mga mata ni Liya habang nananatiling nakayuko. Pinipigilan ko ang braso nya kaya hindi sya maka-kilos.
"Sabi ko naman sa'yo sabihin mo pag gusto mo na ko diba?" Ngumisi ako saka dumiretso ng upo.
"Sino naman may sabing gusto kita? Hmp" nag-iwas sya ng tingin pero nakayuko pa rin sa'kin dahil pigil ko pa rin ang braso nya.
Tumayo ako. Naramdaman ko ang pagkataranta nya, nagmamadali syang humiga sa kama. Nakalimutan nya yatang hawak ko ang braso nya dahilan para mahila nya ako at mapaibabaw sa kanya.
Pareho kami'ng nanlalaki ang mata at gulat na gulat sa nangyari.
"Ang lakas mo pala" pagpapatawa ko pa pero ni hindi sya kumibo.
Ilang segundo pa nya ako tinitigan bago bumalik sa katinuan. "T-tumayo ka na!" Natatawa naman ako'ng sumunod kay Liya saka naupo sa kama nya.
"In love ka na no? Sabihin mo na dali" pang-aasar ko pang muli pero nagtalukbong lang sya ng kumot at hindi na nagsalita pa.
Liya's POVAlas-otso na nang bumalik ang nurse sa kwarto. Bumangon ako at nakita si Emman na natutulog sa tabi ko.
Ang kapal naman nito at dito pa natulog?
"M-Ma'am, kagabi pa po lumabas yung result ng urine test. Ngayon lang po dumating ang Doctor, hintayin nyo na lang po para sya na mismo ang magsabi sa inyo"
Paglabas ng nurse ay agad kong ginising si Emman. Aba! Mas malaki pa ang nasakop nyang espasyo kaysa saken.
"Hoy bakla, gumising ka na dyan" ilang palo pa ang ginawa ko bago sya magising.
Hinawakan na naman nya ang kamay ko para patigilin ako sa pagtapik sa kanya. Everytime na ginagawa nya ang paghawak sa kamay ko, kinakabahan na talaga ako. Tsk
Dumilat sya saka ngumiti sa'kin. "D-dadating na daw yung doctor, bumangon ka na dyan"
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nya. Iginalaw nya ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko, lumakas ang tibok ng puso ko. Napapikit na rin ako dahil sa pag-aakalang hihilahin nya ako palapit sa kanya kagaya ng nababasa ko sa wattpad.
Pero nagkamali ako.
Napadilat ako nang maramdaman ang labi nya sa ibabaw ng kamay ko. Nakapikit sya at nakangiti pa rin.
Sa loob ng tatlong segundo na nakalapat ang labi nya sa kamay ko... Hindi ko alam ang halo-halong emosyon na naramdaman ko. Pakiramdam ko ay nagbubugbugan na ang mga laman-loob ko.
YOU ARE READING
A Bit Bitter (Coffee Flavor #1) COMPLETED
RomanceCoffee Flavor #1: A Bit Bitter Malaia Venancio, a 17 year old lady na ang tanging pangarap ay magkaroon ng simpleng buhay at magandang senior high school life. Gusto nya'ng maging memorable ito at huwag magdulot ng pressure at stress sa kanya kaya a...